top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pangalusian Island, makikilatis na

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 09, 2022



Inaasahang masigla ang mga karerista ngayong araw ng Linggo dahil hanggang Race 15 ang karera na inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI).


Isa sa mga aabangan ng mga karerista ay ang muling pagsalang sa pista ni former Presidential Gold Cup ruler Pangalusian Island.


Susubukan ni Pangalusian Island na habulin ang mga matutulin niyang katunggali sa magaganap na Condition Race Merge (10) na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Deremateng kabayo si Pangalusian Island pero may distansiya lamang na 1,400 meter race ang kanyang sinalihan kaya tiyak na dehado siya sa laban.


Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee

Patty Ramos Dilema, makakalaban ni Pangalusian Island ang matulin sa largahan na si Raintree Starlet.


Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Goldsmith, The Accountant, In The Zone, Kid Baloloy at Elle Street. "Tingnan natin kung kayang rumemate ni Pangalusian Island sa maigsing distansya, tingnan din natin paano ang diskarte ni Patty (Dilema)," saad ni Jose Landicho, veteran karerista.


Maliban kay Pangalusian Island, tututok din ang mga liyamadista kay Patong Patong na sasabak sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System.


Makakalaban ni Patong Patong sina Winner Bidder, Shanghai Silk, Sari Baby, Rogelio, Electrify at Golden Sunrise, may haba itong 1,400 meter race.


Gagabayan ni RC Baldonido si Patong Patong, puntirya nilang sikwatin ang added prize na P10,000 para sa winning horse owner habang may karagdagang premyo rin na P35,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.


Target din ng mga karerista na masapol ang mga carry over sa Super 6 at Pentafecta na parehong ikakasa sa unang karera.


May P92, 664.29 na carry over sa Super 6 habang P15,426.47 naman sa Pentafecta.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page