top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Pangalawa na 'to! MOVIE NI ARJO, IPAPALABAS NA NAMAN SA CANNES FILMFEST

Writer: BULGAR
BULGAR
May 12, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 12, 2023



Ipinakita ni Maine Mendoza ang kanyang suporta sa nobyong si Cong. Arjo Atayde sa pamamagitan ng pag-post at pag-promote ng proyektong kinabibilangan nito.


Ipinost ni Maine sa kanyang Instagram Stories ang poster ng drama series ni Cong. Arjo na may titulong Cattleya Killer.


Ang nasabing series ay produced ng ABS-CBN International Productions at mapapanood ito sa streaming platform na Prime Video.


Ipinost din ni Maine ang unang poster ng pelikulang Topakk na pinagbibidahan din ni Cong. Arjo na ipapalabas sa Cannes Film Festival.


Dadalo nga rito ang ina ng aktor na si Slyvia Sanchez, sapagkat ang Nathan Productions na pagmamay-ari nito ang producer ng nasabing movie.


Naka-schedule na itong ipalabas sa Cannes Film Festival ngayong darating na May 16 hanggang 27 at kung hindi kami nagkakamali, pangalawang pelikula na ito ni Cong. Arjo na napasama sa nasabing prestigious filmfest.


Anyway, spotted sa isang mall sina Maine at Arjo na nagsa-shopping ng panregalo yata ng dalawa sa mga mommies nila at sa magiging biyenan na rin ng isa't isa.


At baka humirit na naman ang ilang AlDub fans diyan na clone lang ni Maine ang kasama ni Cong. Arjo sa mall.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page