Pangalan at reputasyon ng TLGMIC at PCGH, nabahiran dahil sa ‘di pinag-isipang post sa socmed

‘Wag mag-panic bago mag-post sa socmed para ‘di magkamali, period!
Sa gitna ng pandemic, sikapin nating manatiling kalmante
ni Ka Ambo - @Bistado | December 30, 2020
Don’t panic.
Kapag nag-panic, malaki ang tsansa na magkamali-mali ang desisyon!
◘◘◘
Sa gitna ng pandemic, dapat sikaping manatiling kalmante anuman ang kahinatnan ng ating buhay.
Kakambal ng panic ay matinding emosyon na siyang ugat ng hindi maayos na disposisyon!
◘◘◘
Isang halimbawa rito ay ang sinapit ng isang alyas Patricia na nag-post sa social media sa kanyang karanasan pero nasira nito ang reputasyon ng ospital na umaasiste sa gobyerno at mga biktima ng COVID-19.
Walang pakundangang at walang sapat na basehan impormasyon inilahad nito sa social media kung saan nabatikan ang malinis na pangalan ng The Lord’s Grace Medical & Industrial Clinic (TLGMIC), na isang respetado at DOH-accredited na COVID-19 testing center!
◘◘◘
Sa kanyang FB post, inakusahan ni Patricia ang TLGMIC at Pasay City General Hospital (PCGH), pampublikong pagamutan, nang pagsasabwatan sa pagpapalabas ng mga peke at hindi mapagkakatiwalaang resulta ng COVID-19 test, “para umano makakuha ng pondo sa gobyerno”.
“They’re making patients positive “daw” for them to get funds sa government. (Funds for your quarantine facility, food, meds, etc.) then they’ll double the funds para makapag corrupt,” pagsipi sa kanyang FB post noong Disyembre 22.
◘◘◘
Maliwanag nagpadala si alyas Patricia sa kanyang emosyon.
Wala rin siyang tiwala sa kapwa at maging sa mga tanggapan na tumutulong para masugpo ang paglaganap ng killer virus!
◘◘◘
Lumalabas din na wala siyang kaalaman sa tama at istriktong proseso kung paano ginagawa ang COVID-19 test.
Kung kinausap muna sana niya ang TLGMIC bago siya naglabas ng post, sana ay naliwanagan siya at hindi humantong sa paninira ang kanyang ginawa!
◘◘◘
Sa pahayag ng TLGMIC, sinabi nitong pinangangalagaan nila ang pagbibigay ng pinakamataas na uri ng serbisyong medikal.
Sa katotohanan ay mayroon silang pinakamodernong mga kagamitan na ginagamit sa COVID-19 test na aprubado ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at DOH!
◘◘◘
Ayon sa TLGMIC:“We are standing firm that the results we are releasing are correct and accurate. For TLGMIC, a positive swab test result is always a positive, and a negative swab test result is always a negative,” sabi ng TLGMIC.
Sa liham ni Mark Angel D. Magracia, RMT, MLS(ASCPi) kay Dr. Marilou B. Lupisan-Ocampo, head ng PCGH, inilahad niya ang kumpletong kuwento kaugnay ng alegasyon ni Patricia.
◘◘◘
Lumalabas na ang unang specimen ay kinuha noong Disyembre 16 bandang 11:30 ng umaga at ipinadala sa TLGMIC ng 6:50 kinabukasan ng gabi at agad din naman nila itong sinuri.
Mapapansing maliban sa labas ng TLGMIC kinuha ang specimen ay inabot pa ng mahigit isang araw bago ito napadala sa laboratoryo nila at lumabas nga na positibo sa COVID-19 si Patricia.
◘◘◘
Dahil dito ay nagalit si Patricia at diretsahang idineklara na peke ang resulta dahil sa ibang laboratoryo raw kung saan nagpasuri rin siya ay negatibo naman ang resulta.
Subalit ipinaliwanag ni Magracia maraming dahilan kung bakit naging positibo si Patricia at isa na rito ang hindi maayos na pagkuha ng specimen at kontaminado ang specimen bago ito masuri!
◘◘◘
Naniniwala tayo sa paliwanag na ito ni Magracia kung kaya’t noong muling suriin si Patricia sa mismong klinika na nila ay lumabas na negatibo na siya.
Sa kasamaang-palad, sa halip na magpasalamat at tumanaw ng utang na loob ay pinaghinalaan pa ni Patricia ng masama ang klinika at PCGH!
◘◘◘
Maliwanag na walang basehan at malisyoso ang bintang ni Patricia kaya nararapat lamang na mag-public apology siya.
Ito ay upang malinis niya ang pangalan at reputasyon ng TLGMIC at PCGH.
Magsilbi sana itong aral sa lahat: Don’t panic!





Comments