top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NANINIWALANG ‘DI NA KAILANGAN NI DANIEL NG KA-LOVE TEAM-IG _robinpa

Pang-presidente raw sa 2028… SEN. ROBIN, LALAKING MIRIAM DEFENSOR NG SENADO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 21
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | May 21, 2026



Pang-presidente raw sa 2028… SEN. ROBIN, LALAKING MIRIAM DEFENSOR NG SENADO

Photo: Robin Padilla



Matapos ang barilan sa Senado noong gabi ng Mayo 13, 2026, nagpasalamat ang aktor-pulitiko na si Sen. Robin Padilla sa Sergeant-at-Arms ng Senado ng Pilipinas na si Major General Mao Aplasca.


Saad ni Sen. Robin sa post niya, “Bismillah. Isa lang ang batid ko na katotohanan. Ang taong ito ang nagsagip sa mga buhay ng nasa loob at labas ng Senado.


“Ang warning shot niya at warning shot ng NBI ang nagpakalma ng sitwasyon at nagpatunay na friendly forces sila pareho.


“‘Di pinairal ng 2 panig ang combat high kaya’t nauwi sa mapayapang pagtatapos ng kaguluhan.


“Alhamdulillah, walang nasakripisyong buhay sa kalituhan na ‘to dulot ng mga dayuhan. M/Gen Mao Aplasca.”


Sa comment section ng post ni Sen. Robin ay may netizen na nagpahayag ng paghanga sa senador.


Saad ng netizen, “Perfect talaga si idol Robin for the position but I’d rather put him in the highest position like President of the Philippines. 


“‘Di maikakailang napakatalino n’yang senador. He’s the male version of the late Miriam Defensor Santiago, matapang, may paninindigan at tunay na may malasakit sa bayan.”


Anyway, tingnan na lang natin sa 2028 elections kung sino ang magwawaging pangulo ng ating bansang sinilangan.





CUTENESS overload ang ibinahagi ng komedyanang si Ai Ai Delas Alas sa kanyang Instagram (IG) post.


Nag-share siya ng larawan ng kanyang apo na si Mia Isabella Sulit Delas Alas na nakaupo sa car seat at nakasuot ng stylish pink sunglasses at may pacifier.


Sey ni Ai Ai, “Our Mafia Boss. Ito ang batas, dati ako! Ngayon, s’ya na. Meet our boss, the Donya MIA ISABELLA SULIT DELAS ALAS na baby pa-aircon. Patay tayo r’yan pag-uwi nito rito sa Manila, 24/7 aircon namin.. Kayod maimai.”


Dagdag ni Ai Ai na may kasamang hashtag, “#winterbaby #canadianbaby.”

Ipinanganak ang unang apo ni Ai Ai noong January 27, 2026. Si Baby Mia Isabella ay anak ng panganay ni Ai Ai na si Sancho Delas Alas at ng kanyang partner na si Maria Paula.


In fairness, super-cute ang apo ng Comedy Queen!





NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang P-pop girl group na BINI matapos silang kilalanin ng House of Representatives para sa kanilang makasaysayang performance sa Coachella Valley Music and Arts Festival noong Monday, May 18, 2026.


Saad ng BINI, “It is truly an honor to be recognized through House Resolution No. 1001. We share this milestone with every Filipino who continues to believe and support OPM and Filipino talent. One, two, three, maraming salamat po!”


Anyway, isang malaking congratulations, BINI!





“FIRST birthday ko na widow, babang luksa,” pahayag ng sexy actress na si Rufa Mae Quinto sa kanyang Instagram (IG) post. 


Nagbahagi rin ang aktres ng throwback family photo.


Sey ni Rufa, “My birthday in Hawaii 2 years ago.. missing our family. We usually celebrate Mother’s Day, my mom’s death anniversary May 26, my birthday May 28 and Father’s Day when we travel!


“Okey ang lahat, pinakamasayang taon magkasama. Now, me and Athena will go back to our home in San Francisco without you physically after everything! You will be in my heart forevermore! Go, go, go!


“First birthday ko na widow.. babang luksa. Luks (looks) like we made it! Anak! Naks!”

Matatandaang pumanaw ang asawa ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes noong July, 2025.


‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page