Pang-online lang… WILYONARYO NI WILLIE, ‘DI UBRA SA TV5, GMA-7 AT ALLTV
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 9, 2025

Photo: Willie Revillame / GMA / SS
May mga tagasubaybay ng programang Wowowin ni Willie Revillame ang nagtatanong kung saang network mapapanood ang bagong game show niyang Wilyonaryo.
May lumabas na pahayag ang TV5 na hindi nila ini-renew ang kontrata ni Willie. Punumpuno at loaded naman ang GMA Network kaya walang maibibigay na time slot para sa Wilyonaryo.
Ang isang puwedeng alternative ay ang Villar Network na AllTV pero sakaling hindi uubra, posibleng maging online show na lang ang Wilyonaryo.
Sayang naman kung hindi mabibigyan ng magandang time slot at maayos na network ang game show dahil pinaghahandaan ito nang husto ni Willie Revillame. Malalaking cash prizes ang ipamimigay sa show, at puwedeng manalo ng P1 million ang lucky contestant na maglalaro sa Wilyonaryo.
Nagtiwala sa mga kaibigan…
ALDEN, NEVER SAY DIE KAHIT NA-SCAM NANG MILYONES DAHIL SA NEGOSYO

HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ni Alden Richards nang maisipan niyang mag-invest sa negosyo.
Madali siyang nagtiwala sa ilang kaibigang nag-alok ng partnership sa business. Milyones ang kanyang inilabas na puhunan kahit wala siyang ganap na kaalaman noon sa pagnenegosyo. Kaya, hindi niya naramdaman na biktima na siya ng scam ng mga taong kanyang pinagkatiwalaan.
Naglahong parang bula ang milyones na kanyang kinita sa showbiz.
Ganunpaman, tahimik lang si Alden sa nangyari sa kanyang negosyo. Sa kabila ng lahat ay hindi siya nawalan ng pag-asa, naniwala siyang makakabawi rin sa malaking halagang nawala sa kanya.
Dati nang may franchise ng McDo si Alden Richards sa Biñan, Laguna, na ang kanyang ama ang namamahala.
Ngayon ay magbubukas siya ulit ng isa pang franchise ng McDo sa Sta. Rosa, Laguna. Dito sila unang nakatira noong hindi pa siya artista.
Napamahal na kay Alden Richards ang Sta. Rosa, Laguna kaya sa December 15 ay magkakaroon siya rito ng Grand Meet and Greet kasama ang kanyang mga fans. Bahagi ito ng kanyang ika-15 anibersaryo sa showbiz.
MARAMI rin ang nagtatanong kung bakit mas gusto ni Bimby na luminya sa pagiging singer kaysa sa pag-aartista. Sariling desisyon ba ito ni Bimby o may impluwensiya ang kanyang mom na si Kris Aquino?
Sumailalim siya sa training ng isang magaling na voice coach. Una niyang pinag-aralang kantahin ang awiting pinasikat ni Ogie Alcasid na Nandito Ako.
Mukhang seryoso si Bimby na i-pursue ang kanyang singing career sa kanyang pagpasok sa showbiz. Impluwensiya kaya ng yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino ang hilig ni Bimby sa pagkanta?
Ang pagpasok ni Bimby sa showbiz ay isa sa mga pangarap ni Kris na matupad kaya pinilit niyang labanan ang kanyang autoimmune disease.
Ngayon ay nakalabas na siya ng ospital at pansamantalang nakatira sa ancestral house ng kanyang ina sa Tarlac. Malaki ang senyales na gagaling na si Kris Aquino.
ISANG palaisipan naman sa mga kaibigan at fans ng yumaong si Dondon Nakar kung bakit hindi dumating sa burol niya sina Tetchie Agbayani at Amy Austria.
Sa pagkakaalam nila, naging close din daw si Dondon sa dalawang aktres. At alam ng lahat na nasa Pilipinas lang sina Tetchie at Amy.
Naka-post naman sa social media ang pagpanaw ni Dondon na miyembro noon ng Apat na Sikat (ANS).
Si Winnie Santos ay nasa Amerika kaya sina Lala Aunor at Arnold Gamboa lang ang nakarating sa burol.








Comments