top of page
Search
  • BULGAR

Pang-international beauty pageant naman… HERLENE, JOIN SA MS. PLANET SA UGANDA, AFRICA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 31, 2022



Mukhang kakaririn na ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl ang pagsabak sa mga beauty pageants sa tulong ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.


Hindi man siya ang nanalong Bb. Pilipinas 2022, hindi rito nagtapos ang kanyang beauty queen journey. Si Herlene ang magiging representative ng Pilipinas sa kauna-unahang Ms. Planet International beauty pageant na gaganapin sa Uganda, Africa.


Magte-training si Herlene upang paghandaan ang nasabing beauty pageant. Nagpaalam na rin sa pamunuan ng Bb. Pilipinas ang manager niyang si Wilbert Tolentino para sa pagsali ni Hipon Girl sa Ms. Planet International.


Sobrang saya at excited si Herlene at hindi siya makapaniwala sa magagandang kaganapang nangyayari sa kanyang buhay ngayon.


Sobra siyang blessed at ipinangangako niya na anumang tagumpay ang kanyang makamit at saanman siya makarating, iaaalay niya ito sa kanyang pamilya at mga kababayan sa Angono, Rizal.


Patuloy siyang magpapasalamat at tatanaw ng utang na loob sa mga taong nakatulong at sumuporta sa kanya.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page