top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pang-forever na raw… TAMBALAN NINA JANE AT JANELLA, SUPORTADO NG LGBTQIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 1, 2023
  • 4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | February 1, 2023




Posible nga kayang magka-develop-an sa isa’t isa sina Jane de Leon at Janella Salvador lalo’t umaming pareho silang single ngayon?


Napag-usapan kasi ito sa Darna finale mediacon dahil months ago ay tinutukso ang dalawang magandang aktres dahil maganda ang chemistry nila.


Inamin nina Jane at Janella na nagulat din sila nang mag-trending sila at tinutukso na nga sila. At higit sa lahat, maraming LGBTQIA members ang sinusubaybayan sila at nababasa nila lahat ang reactions ng mga ito sa social media.


Sabi ni Janella, “Actually, laging tinatanong sa amin ito, 'di ba (sabay lingon kay Jane). Parang the first time I saw it, ako pa ang nagpakita kay Jane. Pero even before the people started shipping us, we were already joking about it sa set. Marami kaming scenes na siyempre, kinukuhanan kami ng reaction shots, ang tagal naming (magkatitigan), ganyan. Actually, sila talaga ‘yung grabeng magpa-trend.


“We are so thankful. It was unexpected but it’s such an honor din to have the LGBTQ community supporting you. Nakaka-warm din siya ng puso. Nakakatuwa. I feel like this side of the community rarely gets represented, kaya they really clung onto us.”


Ayon naman kay Jane, suportado nila ang isa’t isa kahit sa likod ng kamera lalo’t pareho pala sila ng ugali.


“Actually, pareho kaming introvert. Sa mga fans, lagi naming sinasabi na sobrang unexpected talaga na sumabog ‘yung Darlentina and Janella especially sa panahon ngayon. Hindi naman natin inakala na mangyayari ‘yun.


“And grabe ‘yung pagmamahal na ibinigay nila sa aming dalawa ni Janella, trending lagi. Nagpakatotoo lang talaga kami ni Jea. We’re just like this. Magandang tingnan ‘yun na mga babae kami na walang competition na nakikita. Sana, marami ring mga girls that will support each other. Kasi we lift each other up. Nagtutulungan kami.”


Akalain mo 'yun, hindi magkaibigan ang dalawa. In fact, nagkakapaan daw ng ugali sina Jane at Janella nu’ng ipakilala sila sa isa't isa hanggang gumiling na nga ang kamera na hindi pa rin sila close at naging malapit lang sila sa panahon ng pandemya.


At dito inamin ni Janella, “Actually, hindi talaga kami friends bago nag-start itong Darna.


And we’re both introverts and if we’re going to be totally honest, hindi kami talaga agad-agad nag-click. Hindi naman kami nag-away or anything, pero awkward siya nu’ng una. But we both made an effort to be able to break each other’s walls. Talagang nag-bond kami.”


Hanggang sa naging super close na sila sa isa’t isa at hindi naman na halos mapaghiwalay.


“'Pag walang taping, magme-message 'yung isa, ‘Uy, want to hang out in my room? Let’s watch a movie?’ Until we eventually became comfortable with each other and talagang I think our friendship is for keeps. Like, hindi kami pang-Darna lang.


“Ang maganda kasi, nagtutulungan kami. Like kung ano 'yung magiging maganda para sa akin at sa kanya, sinasabi namin. Because we want to give each other the chance to shine,” pagtatapat ni Janella.


Appreciated naman ni Jane ang effort ni Janella kaya talagang ginagawan niya ng oras kapag hindi siya busy.


“Before the pandemic, nagkakasama naman kami sa mga events or shows sa ABS-CBN. Hi-hello lang, but we’re not so close talaga. And naging challenge rin naman sa amin and du’n kami nagkaroon ng hope talaga na hindi lahat ng makakasama mo, magiging competition mo. Hindi siya pang-showbiz lang. Hindi kami taping friends.


“Actually, lahat kami. Actually, kagaya ni Zaijian (Jaranilla), nakatira na sa bahay ko. Ngayon lang siya umuwi sa bahay (laughs),” kuwento pa ni Jane.

At dahil maganda ang rapport nina Jane at Janella ay natanong kung okay sa kanilang gumawa ng GL o Girl’s Love series o movie.


Ang bilis ng sagot ni Jane, “Why not? Sana, ‘yung story, maganda. Kasi it’s all about the craft din naman kasi artists din kami, so challenge rin sa amin 'yun.”


Okay din kay Janella ang GL project, “Simply because, wala pa ngang magandang representation for that aspect, kaya open ako and willing ako. Wholeheartedly, I would do it talaga.


"Feeling ko, gusto lang nilang ma-represent nang maayos, hindi 'yung ma-treat siya na parang it's something different. They want to belong. So parang I think, we should normalize it.”


Dagdag pa ni Jane, “It's a new thing for us, for me and Jea (Janella). Kasi nasanay ang mga tao na ang kasama lagi is guy. Maybe 'yung sa amin, it's not just about GL, but it's about friendship and women empowerment.”


Sana nga, gawan sina Jane at Janella ng GL project.


Paging, Direk Benedict Mique, puwedeng part two ng Fluid.


Samantala, dinumog naman ng libu-libong fans ang back-to-back #DarnaCaravan na ginanap sa Vista Mall Bataan at Robinsons Galleria South sa Laguna noong Sabado (Enero 28) at Linggo (Enero 29). Nagpasalamat ang Darna cast sa mga manonood sa patuloy nilang suporta at pagmamahal sa programa.


Lilipad din ang Darna cast sa KCC Mall sa General Santos City sa Biyernes (Pebrero 3) at Ayala Malls Trinoma sa Linggo (Peb. 5) para sa pagpapatuloy ng caravan.


Abangan ang pinakamatinding giyera sa huling dalawang linggo ng Darna, Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5.


Available rin ang ABS-CBN series na ipinrodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page