top of page

Pang-forever na raw talaga sila… VICE AT ION, MAY COUPLE TATTOO SA MGA DALIRI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 12, 2023



Nagpalagay ng limang couple tattoos sina Vice Ganda at Ion Perez. Ang bawat tattoo raw na ipinalagay ng dalawa ay may mga kaakibat na istorya. Mabilis na nag-viral at naging usap-usapan ito sa social media.


Si Vice ay may five small tattoos sa kanyang limang daliri at gayundin si Ion. Ang concept ng kanilang mga tattoos ay magma-match kapag magkahawak ang mga kamay nila or whenever they put their fingers together.


“Since we’ll be partners for life, itong marking na ‘to ay for life na rin at wala nang burahan,” lahad ni Vice.


Ang ipinalagay na tattoo ni Vice sa kanyang hinlalaki ay ang mga katagang “I am” habang si Ion naman ay nagpalagay ng mga salitang “with you”— at kapag pinagsama ang mga ito ay magiging “I am with you”.


Sa kanilang mga hinliliit naman ay may mga nakalagay na smiley face. Habang ang mga katagang “king” and “queen” ay makikita sa mga middle fingers nila.


Sa kanilang mga ring fingers naman ay makikita ang tig-kalahating heart. Ang mga salitang “for” and “ever” ay makikita sa mga pinky fingers nina Vice at Ion.


Ayon pa kay Vice, ang ginawa raw niyang pagpapakasal kay Ion ay nagdulot ng kakaibang kasiyahan sa kanyang buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page