top of page
LET’S SEE - SHARON, DAMAY SA AWAY NINA SEN. KIKO AT SEN. ROBIN-IG _reallysharoncuenta FB R

Pang-forever na?! JAKE AT RABIYA, TANGGAP NA NG PAMILYA NG ISA’T ISA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 21, 2026



SHEET MATTERS - JAKE AT RABIYA, TANGGAP NA NG PAMILYA NG ISA’T ISA-IG _juancarloscuenca

Photo: IG _juancarloscuenca



Suportado ni Jake Cuenca ang girlfriend niyang si Rabiya Mateo sa medical school nito kaya naman bago ang pasukan sa Agosto 7 ay nagliliwaliw muna sila, at ang latest ay sa Hong Kong.


Sobrang proud si Jake sa girlfriend niya dahil itutuloy nito ang matagal nang pangarap na maging doktor tulad ng amang Indian-American na si Syed Mohammed Hashmi.


Natapos ni Rabiya ang kursong Bachelor of Science in Physical Therapy, cum laude sa Iloilo Doctors College noong 2018, at sa parehong taon ay naipasa niya ang board exam.

Gusto niyang ituloy ang medisina at sa katunayan ay siya ang nanguna sa buong bansa sa pagsusulit ng National Medical Admission Test o NMAT sa gradong 741. Naudlot lang ito dahil sumabak siya sa beauty contest at siya ang nag-represent ng Pilipinas sa 69th Miss Universe (MU) Competition na ginanap sa Florida, USA.


Going back to Jake, bago pala naging magkarelasyon ang dalawa ay plano nang ituloy ni Rabiya ang pagdodoktor at sa katunayan ay hindi na siya nag-renew ng kontrata sa GMA Network.


“Ayaw na n’yang mag-artista, hanggang hosting na lang, ayaw na n’yang mag-taping or shooting kasi nga magiging abala sa pag-aaral n’ya,” kuwento ng taong malapit sa dalaga.


Sa pagkakakilala namin kay Jake ay mukhang si Rabiya na ang gusto niyang makasama sa buhay dahil talagang suportado niya ang dalaga at willing to wait siyang makatapos ito ng pag-aaral.


Kung tama ang timeline namin ay nasambit noon ni Jake na magse-settle na siya sa edad na 30 hanggang sa naurong at naging 35, at ngayon ay magti-39 na siya sa December 30.


Ilang taon ang hihintayin ni Jake, lima o anim na taon?


“Eh, malamang nasa 43 years old na s’ya. Okey lang naman sa lalaki na ru’n pa lang s’ya magsisimula ng pamilya, at si Rabiya (29 yrs. old ngayon), nasa 35? Puwede na, financially stable naman na si Jake kaya kahit late na s’yang mag-asawa, okay lang,” kuwento naman ng kampo ng aktor.


Isa pang nalaman namin ay ipinakilala na ni Rabiya si Jake sa pamilya niya at sobrang natuwa ang aktor dahil ‘idol’ ang tawag sa kanya ng kapatid ng dalaga.


Pagdating naman sa pamilya ni Jake, tanggap din nila si Rabiya at nagkaroon na ng maayos na pag-uusap na hindi binanggit kung tungkol saan.


Ang mga katangiang nagustuhan ni Jake Cuenca kay Rabiya Mateo ay ang pagiging simpleng babae nito, hindi gumigimik o mahilig lumabas maliban kung trabaho, marunong sa bahay, at higit sa lahat ay matalino.





SAGOT ng ABS-CBN ang pagiging homesick ng mga Kapamilya.

Manatiling ‘together forever’ at konektado sa mga mahal sa buhay sa sabay-sabay na panonood ng minamahal na ABS-CBN shows sa Kapamilya Online Live at iWant, na nae-enjoy ang 24/7 online viewing saanman sa mundo.


Naglunsad ang ABS-CBN ng bagong nakakaantig na video tampok ang mga overseas Filipino workers at kung paano tila nagagamot ang kanilang pagiging homesick dahil nakakanood sila ng Kapamilya shows sa Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at sa iWant kasabay ng mga mahal nila sa buhay na nasa Pilipinas.


Ang naturang video ay parte ng ‘Together Forever’ campaign bilang pasasalamat sa walang hanggang suporta ng mga Kapamilya sa mga programa at artista ng ABS-CBN.


Napapanood ang Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YT, ang most-subscribed media and entertainment channel sa Southeast Asia na may 54.8 milyong subscribers. Handog nito ang mas pinasayang libreng panonood ng kasalukuyang umeereng mga programa ng ABS-CBN, pati na rin ang classic shows na maaaring i-replay.


Ilan sa mga napapanood dito ay ang Blood vs. Duty (BVD), The Alibi (TA), It’s Showtime (IS), at TV Patrol (TVP), kabilang din ang paboritong weekend game shows na Kapamilya Deal or No Deal (KDOND) kasama si Luis Manzano at Everybody, Sing! (ES) kasama si Vice Ganda.


Mapapanood din ngayong taon sa Kapamilya Online Live ang inaabangang primetime action series na Coco Martin’s Sigabo na pagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.


Hindi rin mahuhuli sa chikahan sa Kapamilya Online Live dahil puwedeng makipag-usap sa iba pang Kapamilya saanman sa mundo habang sabay na nakatutok sa panonood sa pamamagitan ng live chat box.


Damang-dama rin ang aksiyon, drama, at kilig sa panonood sa iWant na may pinakamalaking koleksiyon ng Filipino feels. 


Bukod sa live programming ng ABS-CBN at full episodes ng primetime shows, available rin dito ang classic teleserye, blockbuster movies, at mga bagong iWant Original kabilang ang mga microdrama.


Mapagpipilian ang mga bagong palabas tulad ng The Secrets of Hotel 88 (TSOH88), kung saan available ang episodes pitong araw bago ipalabas sa TV, at ang microdrama na The Chambermaid’s Daughter (TCD)


Dapat namang abangan ang iba pang Originals tulad ng Miss Behave (MS) at Nurse the Dead (NTD).


Tumutok sa Kapamilya Online Live at mag-subscribe sa ABS-CBN Entertainment YT channel. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page