top of page
Search
  • BULGAR

Pang-forever daw sila... MATTEO, TINAWAG NA 'WOW MARRIAGE' ANG 4 NA TAON NILANG PAGSASAMA NI SARAH

ni Julie Bonifacio @Winner | February 23, 2024



Photo: Sarah Geronimo / Fb


Kinilig ang mga fans ni Sarah Geronimo sa ishinare na photos nila ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli sa socmed with matching sweet message para sa fourth wedding anniversary nila.


Ikinasal sina Sarah at Matteo noong February 20, 2020. Naging controversial ang kasal nila dahil sa paglihim nila sa ina ng singer-aktres na si Mommy Divine.


Caption ni Matteo, “Happy 4th year wedding anniversary, my love!"


Dagdag pa ng aktor, “4 years of 'WOW!' Marriage is complete with all the emotions you’ll ever imagine. Learning and living life with you is magical and unexplainable. Wisdom and maturity is gained. Looking forward to many, many more years, forever. I love you. Thank you for being you.”


Dinagsa rin ng mga pagbati ang mag-asawa mula sa celebrity friends nila gaya nina Susan Enriquez, Albert Nicolas, Maris Umali, Suzi Entrata-Abrera, Sam YG and MJ Marfori.


Say ni Bianca Gonzalez, “Happy anniversary Gs, Cheers to many more!”


“Happy, happy Anniversary!!!! Was nice to see you at the Rivermaya concert!” pagbati naman ng Magandang Buhay host na si Jolina Magdangal.


Few days before their wedding anniversary, spotted ang mag-asawa sa reunion concert ng Rivermaya kung saan nagpaka-fan girl pa si Sarah sa lead singer ng grupo na si Bamboo na kasama niyang coach sa The Voice Teens.


Kahit four years nang kasal sina Sarah at Matteo at ten years as a couple, makikita na masaya at sweet pa rin sila sa isa’t isa.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page