top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Panelo, bulag-bulagan ang peg sa overpriced sa bakuna at korupsiyon sa PhilHealth?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2021
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 13, 2021



MALAKAS DAW ANG DUTERTE-DUTERTE 2022, GANYAN DIN ANG AKALA NI TRUMP MALAKAS SIYA PERO NATALO—Ang bukambibig ni Presidential Legal Council Salvador Panelo sa panahon ng pandemya ay malakas na kandidato daw sa 2022 election ang Duterte-Duterte (Mayor Sara for President at Pres. Duterte for Vice-President).


‘Yan din ang akala noon ni ex-US Pres. Donald Trump, na malakas pa rin siyang kandidato sa kanyang re-electionist dahil sobrang lakas niya sa social media at palaging mataas ang rating sa survey, pero sa aktuwal na botohan at nang matapos ang bilangan ng boto, olats at tinambakan siya ng boto ni U.S. Pres. Joe Biden, boom!


◘◘◘


KAHIT SI EX-SEN. BONGBONG MARCOS AY NABUWISIT NA SA KORUPSIYON SA DUTERTE GOV’T.—Sa panahong hindi pa humuhupa ang pananalasa ng COVID-19 sa Pilipinas, sana ay paglutas muna sa mga problema ang tutukan ng mga alipores ni P-Duterte at hindi ang pamumulitika.


Ang masaklap, may namumulitika na, may nasasangkot pa sa kickback at korupsiyon.

Sa inis ni ex-Sen. Bongbong Marcos, nasabi nitong hindi mapag-uusapan ang COVID-19 nang walang kaakibat na korupsiyon na ang dapat, lahat ng sangkot dito ay ikulong, period!


◘◘◘


PARANG HINDI ALAM NI PANELO ANG OVERPRICED SA SINOVAC AT KURAKUTAN SA PHILHEALTH PARA HANAPAN PA NIYA NG EBIDENSIYA SI EX-SEN. MARCOS—Hindi nagustuhan ni Panelo ang banat ni ex-Sen. Marcos kaya’t hinamon nito ang dating senador na kung may ebidensiya ay maglabas at hindi ‘yung satsat nang satsat.


Pambihira si Panelo, eh, maghahanap pa ng ebidensiya, gayung isa siya sa matagal na nanahimik sa isyung overpriced ng Sinovac at imposibleng hindi niya alam na pati ang pondo ng PhilHealth ay nakurakot sa gitna ng pandemya, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page