top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Panay daw ang kunot-noo… AKTING NI VIC SA MMFF MOVIE NILA NI PIOLO, TUYUNG-TUYO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2024
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 29, 2024



Photo: Piolo Pascual at Vic Sotto sa The Kingdom - Instagram


Pansin lang namin, mukhang hindi nabigyan ng tamang promosyon si Piolo Pascual sa pelikula nila ni Vic Sotto, ang The Kingdom (TK).  


Though okay lang sa aktor ang lahat, umaalma naman ang kanyang mga fans. Dapat daw ay equal ang exposure ni Papa P kay Bossing Vic, nagmistula umanong suporta lang ang akting ni Vic sa TK.


Ayon naman sa opinyon ng iba, given na raw kasi na mahusay ang aktor pagdating sa drama, kaya kay Vic nakatutok ang mga camera. 


Pero hindi kumbinsido ang isang manunulat sa acting ng komedyante pagdating sa drama, napaka-dry daw ng acting nito.  


Anyway, ang role kasi ni Vic sa TK ay isang hari, kaya laging nakakunot ang noo nito.

  

Swak na swak sa action… 

JULIA, ANGELINA JOLIE NG ‘PINAS



Tamang-tama ang Topakk movie para sa mga mahihilig sa action films. Ito ang entry ng Nathan Studios na pag-aari ng beterana at mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF). 


Maganda ang pelikula na kahit action ay may kurot sa puso. Isa talagang versatile actor si Arjo Atayde na bida sa Topakk. Imagine, mula sa umpisa ng pelikula, umaatikabong action na ang matutunghayan.  


Mapapabilib ka talaga kay Arjo na kahit nakilala bilang dramatic actor ay kering-keri rin niyang maging action star. 


Sayang at maikli lang ang role ni Enchong Dee sa movie, pero tumatak naman ito at sana lang ay medyo nahabaan pa. 


Brutal ang mga patayan sa Topakk, at kung hindi matibay ang sikmura mo, ‘di mo kakayaning panoorin. 


Maging si Julia ay bugbog-sarado sa pelikula. Nakakabilib ang bilis ng reflexes ni Julia sa action scenes. Sabi tuloy ng katabi naming nanood ng premiere ng Topakk, “Aral na aral kay Coco Martin si Julia sa pag-aaksiyon. Puwede niyang i-remake ang Lara Croft ni Angelina Jolie sa Tomb Raider (TR) movie.”


Why not nga naman, ‘di ba?  

Ang Topakk lang ang tanging action movie na entry sa MMFF. Umaasa ang direktor na si Richard Somes na sana raw, pagkatapos mapanood ang kanyang action film ay maging daan ito para muling mabuhay ang action films.  

Oo nga pala, ang Topakk ang nanalo sa Best Float sa nakaraang Parade of Stars at nakuha rin nila ang parangal na Fernando Poe, Jr. Memorial Award nitong nakaraang Gabi ng Parangal.  


Walang kaingay-ingay, Liza…

MMFF MOVIE NI ENRIQUE, FIRST DAY, LAST DAY DAW SA SINEHAN


UNDERDOG ang pelikula nina Enrique Gil at Jane de Leon na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital (SF: TKH) among the 10 official entries sa 50th MMFF.


Wala man lang itong kaingay-ingay, kaya pati sa distribution ng cinemas, nasa bottom ang movie na pinagbibidahan ng ex-BF ni Liza Soberano.


Hindi aware ang mga netizens, lalo na ang mga fans nina Quen at Jane, na may pelikula pala silang ipapalabas ngayong holiday season.  


May nasagap pa kaming balita na nag-“first day, last day” ang nasabing movie sa isang sinehan.

Gaano kaya ito katotoo?  


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page