top of page
Search
BULGAR

Pananatiling confidential ang impormasyon ng may HIV

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Sep. 23, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Naiintindihan ko na marami nang pag-aaral ang ginawa patungkol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV). May mga kakilala rin ako na nauunawaan na ang importansya ng pagpapatingin kung sila ba ay mayroon o nahawaan ng nasabing medikal na kondisyon. Ganoon pa man, madalas ay may alinlangan sa kanilang pag-iisip kung ang mga impormasyon ba patungkol sa kanilang pagpapatingin ay mananatiling kumpidensyal upang maprotektahan din ang kanilang pribadong buhay. May partikular ba na batas tayo sa ating bansa na tumutukoy patungkol dito? Salamat sa inyong magiging tugon. -- Ton-Ton

 

Dear Ton-Ton,


Ang tugon sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 44 ng Republic Act (R.A.) No. 11166, o mas kilala sa tawag na “Philippine Aids Prevention and Control Act of 1998”, kung saan nakasaad na:


“Section 44. Confidentiality. - The confidentiality and privacy of any individual who has been tested for HIV, has been exposed to HIV, has HIV infection or HIV- and AIDS-related illnesses, or was treated for HIV-related illnesses shall be guaranteed. The following acts violate confidentiality and privacy:


(a) Disclosure of Confidential HIV and AIDS Information. - Unless otherwise provided in Section 45 of this Act, it shall be unlawful to disclose, without written consent, information that a person has AIDS, has undergone HIV-related test, has HIV infection or HIV-related illnesses, or has been exposed to HIV.


The prohibition shall apply to any person, natural or juridical, whose work or function involves the implementation of this Act, or the delivery of HIV-related services, including those who handle or have access to personal data or information in the workplace, and who, pursuant to the receipt of the required written consent from the subject of confidential HIV and AIDS information, have subsequently been granted access to the same confidential information.


(b) Media Disclosure. - It shall be unlawful for any editor, publisher, reporter or columnist, in case of printed materials, or any announcer or producer in case of television and radio broadcasting, or any producer or director of films in case of the movie industry, or any other individual or organization in case of social media, to disclose the name, picture, or any information that would reasonably identify persons living with HIV and AIDS, or any confidential HIV and AIDS information, without the prior written consent of their subjects except when the persons waive said confidentiality through their own acts and omissions under Section 4(a) of Republic Act No. 10175, Otherwise known as the “Cybercrime Prevention Act of 2012” and Section 25 of Republic Act No. 10173, “Data Privacy Act of 2012”.


Pinahahalagahan ng ating gobyerno ang pangunahing karapatang pantao ng lahat kung kaya, isa sa mga polisiya nito na nakalahad sa Seksyon 2 ng Republic Act No. (R.A.) 11166, ay ang pagbibigay respeto, proteksyon, at pagpapalaganap ng mas pinatibay na tugon sa sitwasyon ng bansa patungkol sa HIV. Kung kaya, ginagarantiya ng batas ang likas na pagiging kumpidensyal ng mga impormasyon, at hindi sapilitan na HIV-testing at iba pang HIV-related testing.


Dahil dito at bilang tugon sa iyong katanungan, nakasaad sa Seksyon 44 ng Republic Act (R.A.) No. 11166, mayroong itinakdang igarantiya sa pagiging kumpidensyal at pribado ng mga impormasyon ukol sa kahit sinong indibidwal na sumailalim sa pagsusuri ng pagkakaroon ng HIV, nakahalubilo ng taong mayroong HIV, nagkaroon ng HIV, o ginamot ang ano mang HIV-related illnesses. Kung kaya, maaaring masabing isang akto ng paglabag sa batas kung ang impormasyon patungkol sa nasabing tao ay maibunyag ng wala niyang nakasulat na pahintulot. Ang nasabing pagbabawal ng pagpapalaganap ng kumpidensyal na impormasyon ay sakop ang sino man, natural o juridical na nilalang, kung saan ang kanilang trabaho ay patungkol sa implementasyon ng nasabing batas. 


Ang nasabing batas ay ipinatutupad upang mapanatili ang kumpidensyal na impormasyon patungkol sa mga taong sumailalim sa pagsusuri ng pagkakaroon ng HIV, nakahalubilo ng taong mayroong HIV, nagkaroon ng HIV, o ginamot ang ano mang HIV-related illnesses. Ito ay upang maproteksyunan ang kanilang pangunahing karapatang pantao at mapanatiling pribado ang kanilang buhay at pagkatao.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page