top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pananampalataya ngayong Semana Santa para sa pagpapatawad at pagkakaisa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 2, 2023
  • 2 min read

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 2, 2023



Ginugunita ngayong araw ang Palm Sunday o Linggo ng Palaspas bilang hudyat ng pagpasok ng Semana Santa.


Tinawag itong Linggo ng Palaspas dahil naglatag ang mga tao sa daraanan ni Hesus ng mga dahon at sanga ng palma habang nakasakay sa isang asno papasok ng Jerusalem.

Sa araw na ito, inaalala nating mga Katoliko ang matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem bago ang kanyang pagpapakasakit at pagpapapako sa krus ng kalbaryo.


☻☻☻

Ngunit bakit mahalaga ang araw na ito sa ating mga Katoliko?

Ayon sa simbahan, ang Linggo ng Palaspas ay sumisimbolo ng ating taos-pusong pagtanggap kay Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Samantala, ang paglatag at pagwawagayway ng palaspas ay maaaring ihalintulad sa pagtalima ng mga mananampalataya sa kalooban ng Diyos.


☻☻☻

Ang Semana Santa ay panahon ng pagtitika at pagmumuni-muni.

Gamitin sana natin ang panahon na ito para pagnilayan ang ating mga nagawa sa ating mga kapamilya, kaibigan at kababayan.

Ngayong Semana Santa, nawa’y maging sandigan tayo ng bawat isa upang manumbalik ang sigla at pag-asa sa puso’t isipan ng bawat Pilipino.

Namnamin natin ang mensahe ng Semana Santa at gamitin ang ating pananampalataya sa Kanya upang makamit ang tunay na pagpapatawad at pagkakaisa.


☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice!



Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page