Pananagutan ng pari sa ilegal na kasal
- BULGAR

- 19 hours ago
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 30, 2025

Dear Chief Acosta,
May magkasintahang lumapit sa aming pari para magpakasal. Ikinasal sila ni Father kahit alam niyang wala silang marriage license. Maaari bang magkaroon ng pananagutan ang pari? — Clarence
Dear Clarence,
Kinikilala ng ating Saligang Batas ang kasal bilang isang banal na institusyong panlipunan, at nakabatay ang ating family law sa patakaran na ang kasal ay hindi lamang isang kontrata, ngunit isang institusyong panlipunan na lubos na pinoprotektahan ng ating Estado. Ang ating Estado ay may pinakamahalagang interes sa pagpapatupad ng mga patakaran nito sa konstitusyon at pangangalaga sa kabanalan ng kasal. Sa pagsulong sa layuning ito, nasa loob ng kapangyarihan ng ating Estado na magpatibay ng mga batas at regulasyon, tulad ng Article 352 ng Revised Penal Code (RPC), na nagpaparusa sa mga kilos na nagreresulta sa pagkakawatak-watak at panunuya ng kasal.
Kung kaya, sa kasong Rene Ronulo vs. People of the Philippines, G.R. No. 182438, 02 Hulyo 2014, sa panulat ni Associate Justice Arturo D. Brion, tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema ang mga elemento ng isang iligal na seremonya ng kasal na may parusa sa ilalim ng Article 352 ng RPC:
“Article 352 of the RPC, as amended, penalizes an authorized solemnizing officer who shall perform or authorize any illegal marriage ceremony. The elements of this crime are as follows:
(1) authority of the solemnizing officer; and
(2) his performance of an illegal marriage ceremony.
We come now to the issue of whether the solemnization by the petitioner of this marriage ceremony was illegal.
Under Article 3
(3) of the Family Code, one of the essential requisites of marriage is the presence of a valid marriage certificate. In the present case, the petitioner admitted that he knew that the couple had no marriage license, yet he conducted the “blessing” of their relationship.
Undoubtedly, the petitioner conducted the marriage ceremony despite knowledge that the essential and formal requirements of marriage set by law were lacking. The marriage ceremony, therefore, was illegal. The petitioner’s knowledge of the absence of these requirements negates his defense of good faith.”
Alinsunod sa nabanggit na kaso, kung mapatutunayan na ang pari na iyong tinutukoy ay awtorisadong opisyal na magkasal at magsagawa ng seremonya ng kasal sa kabila ng kaalaman na ang magkasintahan ay walang marriage license, ang nasabing pari ay maaaring mapanagot sa ilalim ng Article 352 ng RPC.
Nawa ay nasagot namin ang iyong mga katanungan. Nais naming ipaalala na ang opinyon na ito ay nakabase sa mga naisalaysay sa iyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kang sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.








Comments