top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Panalo ng Mavs vs. Lakers, hindi tsamba; Bucks, umulit

  • BULGAR
  • Apr 26, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 26, 2021




Nasungkit ng Dallas Mavericks ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa defending champion Los Angeles Lakers, 108-93, sa kanilang muling pagkita kahapon sa American Airlines Center. Pinatunayan ng Mavs na hindi tsamba ang 115-110 nilang tagumpay sa parehong Lakers noong isang araw.

Nagawang lumamang ng 17 ang Lakers sa second quarter, 54-37, subalit hindi nila naipagpatuloy ito at matiyagang humabol ang Mavs hanggang maagaw ang lamang sa 4th quarter, 91-89. Nakakuha ng tulong ang Dallas (33-26) kay sentro Dwight Powell na may 25 puntos at Dorian Finney-Smith na may 21 puntos habang double-double si Luka Doncic na 18 puntos at 13 assist.

Umulit ang Milwaukee Bucks sa Philadelphia 76ers, 132-94, sa likod ng 24 puntos at 14 rebound ni MVP Giannis Antetokounmpo sa 24 minuto lang habang anim na kakampi ang nagtala ng 11 o higit pang puntos. Tinalo rin ng Bucks ang 76ers noong isang araw, 124-117, kaya lalong humigpit ang karera para sa unang tatlong puwesto sa Eastern Conference sa pagitan ng Brooklyn Nets (40-20), 76ers (39-21) at Bucks (37-22).

Ilista na ang ika-siyam na sunod na panalo ng New York Knicks at nilampasan ang hamon ng bisitang Toronto Raptors, 120-103. Sumakay ang Knicks (34-27) kay Julius Randle na may 31 puntos at 10 rebound at RJ Barrett na may 25 puntos at 12 rebound at mag-isa na sila sa ika-apat na puwesto sa East.

Papalapit na rin ang Miami Heat sa playoffs at tinalo ang Chicago Bulls, 106-101. Apat na Heat ang gumawa ng 20 o higit pang puntos sa pangunguna ni Duncan Robinson na pumukol ng pitong tres para sa 23 puntos, Kendrick Nunn na may 22 at Jimmy Butler at Bam Adebayo na parehong may 20.

Hindi inisip ng bisitang Minnesota Timberwolves na wala na silang pag-asa sa playoffs at ginulat ang numero unong Utah Jazz, 101-96. Nanguna sa atake si Karl Anthony Towns na may 24 puntos at 12 rebounds at sinundan nina D’Angelo Russell at rookie Anthony Edwards na parehong may 23 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page