top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Panakip-butas daw kay Xian… BELA, IBINUKING NA HAPI NA ULI SI KIM DAHIL KAY PAULO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 8, 2024


Showbiz News
Photo: Bela Padilla & Kim Chiu / IG

Mag-bff sina Bela Padilla, Angelica Panganiban at Kim Chiu. Nabuo ang kanilang grupo na "AngBeKi" (Angelica, Bela at Kim) dahil sa special friendship nila na umabot na nang maraming taon. 


Hindi man sila madalas na magkakasama dahil pare-pareho silang busy, lagi naman silang nagte-text at nagbi-video call kaya updated sila sa mga kaganapan ng isa’t isa.

 

Masaya sina Kim at Bela nang magpakasal si Angelica sa businessman na si Gregg Homan. Biniyayaan sila ng isang cute at bibong baby girl. 


Foreigner naman ang boyfriend ni Bela pero wala pang balak na magpakasal. At si Kim Chiu, kabe-break lang kay Xian Lim pero balitang nililigawan ngayon ni Paulo Avelino. 


Base sa isang post ni Bela, nakikita raw niya na may pagbabago kay Kim simula nang nagtambal sila ni Paulo sa isang project. Mukhang bumalik ang saya at sigla ni Kim at hindi na brokenhearted.


Ganunpaman, mukhang hindi pa gaanong kumbinsido si Bela Padilla na ang aktor na ang Mr. Right para kay Kim. Kailangan daw na magkakilala pa sila nang husto ni Paulo. 


Sey naman ng mga netizens, ang bilis ma-fall ni Kim kay Paulo. Hindi kaya love on the rebound lang ito dahil kahihiwalay lang nila ni Xian Lim?



Kung titingnan ang panlabas na katauhan ni Kobe Paras, aakalain mong happy-go-lucky guy at isang gigolo. 


Pero in real life, may pagka-old soul siya at conservative type, lalo na at nakakabilib din dahil lumaki siyang hindi spoiled brat.


Marunong daw siyang maglaba, maglinis at magluto. Bibihira sa mga kalalakihan ngayon ang marunong ng gawaing-bahay. Hindi señorito type si Kobe, hindi rin siya masyadong mabarkada. 


Ang kanyang Kuya Andre ang madalas niyang kakulitan, kaya bistado ni Andre kapag may bagong nagpapasaya kay Kobe.


Sa one-on-one interview ni Heart Evangelista kay Kobe Paras ay natanong dito kung ano'ng katangian ang hanap niya sa babae. 


Well, dapat daw ay taglay nito ang 3 Fs — fine, funny and faithful, upang magkaroon siya ng interes sa isang babae. 


Ang simpleng kagandahan daw ni Kyline Alcantara ang nagustuhan ni Kobe Paras. Nakikita rin niyang hardworking at may ambisyon sa buhay ang aktres at malambing kapag magkasama sila.



Nagtapos naman pala sa kolehiyo si Coco Martin sa kabila ng pagiging aktibo sa television at pelikula. Graduate siya ng kursong Human Resource Management (HRM). 


Nag-aartista na noon si Coco nang magdesisyon siyang iwan ang showbiz at magtrabaho abroad. Gusto niyang subukan ang kanyang suwerte sa ibang bansa kaya nag-OFW siya at pumasok na janitor sa Canada.


Bukod sa pagiging janitor, sinubukan din niya ang iba’t ibang klase ng trabaho. 


Pero na-realize rin niya na hindi madaling kumita abroad, kaya nagpasya siyang umuwi ng 'Pinas at muling balikan ang pag-aartista. 


Dito niya ibinuhos nang husto ang kanyang atensiyon at panahon dahil na-feel niya sigurong nakatakda siyang sumikat. 


Nagklik ang TV serye niyang Ang Probinsyano at Batang Quiapo na dating movies ni FPJ (SLN). Ngayon ay matatag na ang career ni Coco at marami siyang natulungang jobless na mga kasamahang artista. 


Secured na rin ang future ng kanyang pamilya at financially stable na rin siya ngayon. Kahilera na ni Coco Martin ang mga sikat na action stars.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page