top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Panahon nang linisin ang sistema sa Aduana

Writer: BULGAR
BULGAR
14 minutes ago
2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | September 14, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nasa pangangalaga na ng UP-PGH si dating Speaker Martin Romualdez.

Hindi siya naglalabas ng opisyal na pahayag.

Ano kaya ang lalabas sa “unang bukas ng kanyang bibig”?


-----$$$---

Ang natatandaan natin ay ‘yung sinabi niya na “hindi siya mag-isang babagsak”.

Huh! Eh, sino kaya ang kanyang idadawit?


-----$$$--

Umabot sa 76 bangkay na ang narekober sa lumubog na barko patungong Coron.

Malagim na ulat ‘yan na paulit-ulit na lumalabas.

Sino ang may sala?


----$$$--

Nakontrol na rin ng kaalyado ng Iran na Houthi ang bukana ng Red Sea.

Panibagong giyera!


----$$$--

Nasabat ang 15 trailer truck na naglalaman ng ilegal na yosi sa Gitnang Luzon.

Paano nakalusot sa Aduana?


----$$$--

Matagal nang talamak ang ismagling sa Aduana—hindi ito nareresolba kahit kailanman.

Hindi kaya balasahin na rin ‘yan ni PBBM pagbalik niya mula sa France?


----$$$----

PINAKAMAINIT na isyu pa rin kasi sa Aduana ay ang kontrobersyal na pag-raid at pagsunog ng mga epektos sa isang warehouse sa Bulacan.

Wala kasing opisyal na pahayag o paliwanag dito ang Bureau of Customs.

Sumabit kasi ang mga parak at ang dalawa nilang tauhan sa kontrobersiya.


-----$$$--

NAKAPOKUS ngayon ang isyu sa isang Administrative Aide 2 o may item na isang “messenger” na nakatoka dapat sa customs house sa NAIA.

At walang maayos na paliwanag na inilalabas ang Aduana kung bakit siya “kumikilos” nang lihim?


---$$$--

AYON sa isang Customs Personnel Order (CPO), itinalaga pala ang isang Administrative Aide 2 (messenger) sa Customs House sa Ninoy Aquino International Airport.

May nagsasabi kasi na hindi man lang naayos pa nang mabuti ang mga rekisito nito sa Civil Service Commission.

Ayon sa mga marites, kaka-submit pa lang ng requirements nito noong Agosto 10—pero nasabit na agad sa kontrobersiya.

Eh, bakit?


---$$$--

SA  isang investigative report na isinumite kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na isang Special Agent  “Joy”  lamang ang may valid mission order sa nasabing warehouse.

Ito ang dahilan kung bakit kinukuwestiyon ng Customs Police-Enforcement Security Service kung bakit nandoon din ang naturang administrative aide.


 ----$$$--

NAGTATAKA ang ilan kung bakit hindi nagbibigay ng pahayag si Nepomuceno kaugnay ng kontrobersiya.

Nagtatanong ang ilan: ano kaya ang dapat na maging aksyon ng hepe ng Aduana sa kasong ito?


----$$$--

UMIINIT ang isyu dahil sa pinakahuling ulat, nasabat ng Central Luzon regional police sa Bataan at Pampanga ang epektos ng ilegal na sigarilyo.

Bakit nagkalat ang mga ismagel na yosi?


----$$$--

BAGAMAN kaliwa’t kanan ang ulat sa pagkakasabat ng mga ilegal na yosi, pero ang tanong—paano ito nailulusot sa mga pantalan?

Maselan ito dahil bungguan ito ng mga pulis at mga customs agent.

Tsk, tsk, tsk!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page