Panahon na para isalegal ang marijuana?!

ni Ka Ambo - @Bistado | December 3, 2020
Dumadagsa ang marijuana sa merkado.
Pwes, isalegal—at buwisan.
Tapos ang problema nating lahat!
◘◘◘
Ilagay sa aktuwal na monitoring at regulasyon ng marijuana tulad sa antas ng “regulated drugs”.
Herbal drugs ang marijuana at nakatutulong ito sa maraming klase ng sakit.
Makatutulong ito sa hanay ng nagdarahop at maging sa mga walang hanapbuhay!
◘◘◘
Puwedeng mag-export ang Pilipinas ang gamut mula sa marijuana.
Ito ay ang pamalit sa palay at iba pang produktong pinababa ang presyo dulot ng globalization!
◘◘◘
Iisa ang malinaw: Hindi masama ang gumamit ng marijuana—kung nasa ilalim ng pagsubaybay ng mga awtoridad.
Superbisyon ang susi sa dambuhalang industriyang ito!
◘◘◘
Kung ipinasusuri ng DOST ang efficacy ng virgin coconut oil at lagundi — bakit hindi isama ang marijuana?
Ang marijuana o opyo ay bahagi ng kultura kaya’t kasama ito sa huling bahagi ng nobela na isinulat ni Dr. Jose Rizal!
◘◘◘
Pinakikita rito na maging ang doktor na si Rizal ay naniniwala sa talab ng marijuana bilang gamut bagaman nakakaadik ito.
Kung gayun, kailangan lamang ay masusing regulasyon ng gobyerno.
Ganu’n lang kasimple!
◘◘◘
Marami nang lugar sa U.S. at Europe ang nagsasalegal sa paggamit ng marijuana.
Pero, ang katas ng marijuana ay aktuwal na gamut batay sa iba’t ibang pagsasaliksik ng mga eksperto!
◘◘◘
Bakit hindi saliksikin kung ang marijuana ay maaaring maging gamut din laban sa COVID?
Walang masama rito?





Comments