top of page
FRANKLY - IYAKAN N’YO ANG NINANAKAWANG PILIPINO - KAREN-IG _iamkarendavila.jpg

Pampasabog sa quarrying site aksidenteng pumutok, dose-dosena todas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 1 min read

ni Jenny Rose Albason @World News | June 3, 2026



Myanmar - Palaung Land-AP


Hindi bababa sa apat na dosenang katao ang nasawi matapos ang isang malakas na pagsabog sa hilagang bahagi ng Myanmar noong Linggo.


Naganap ang insidente bandang alas-12 ng tanghali sa Namhkam Township.

Ayon sa isang first responder sa Namhkam District sa Shan State, umabot sa 46 ang nasawi, kabilang ang ilang bata, habang mahigit 70 naman ang nasugatan. Isa pang rescuer ang nagsabing 59 katao ang kabuuang bilang ng mga namatay sa insidente.


Sinabi ng Ta’ang National Liberation Army (TNLA), isang kilalang ethnic armed group sa bansa, na ang pagsabog ay dulot ng aksidenteng pagputok ng mga nakaimbak na pampasabog na ginagamit sa pagmimina at quarrying.


Wala pa umanong tiyak na bilang ng mga biktima ang inilalabas ng grupo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong sanhi ng insidente.

Ayon pa sa TNLA, pag-aari ng kanilang economic department ang mga pampasabog, at patuloy nilang inaalam kung bakit ito sumabog.


Matatandaang nananatiling nasa gitna ng digmaang sibil ang Myanmar mula nang agawin ng militar ang kapangyarihan noong 2021, na nagbunsod ng tuloy-tuloy na labanan sa pagitan ng junta forces at iba't ibang pro-democracy at ethnic armed groups.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page