top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pampanga, nanambak ; Lady Aces, nakauna rin sa NBL/WNBL Finals

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2021
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 06, 2021




Ipinamalas muli ng Pampanga Delta ang porma na nagtanghal sa kanila bilang numero unong koponan at tinambakan ang bisitang La Union PAOwer, 98-69, sa pagsisimula ng seryeng best of three para sa kampeonato ng CTG National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup 2021 Sabado ng gabi sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga. Bago noon, binuksan ng walang talong Paranaque Lady Aces ang serye ng kampeonato sa PC Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 sa pagligpit ng Taguig Lady Generals, 60-53.


Nagbago ang timpla ng laro sa third quarter kung saan namuno si Florencio Serrano sa 11 sunod-sunod na puntos ng Pampanga upang lumayo, 60-40. Dumagdag sa suliranin ng La Union ang pilay sa tuhod Jayson Apolonio na may 8:15 pa sa orasan at hindi na ito pinalaro bilang pag-ingat.


Napili na Best Player si Serrano matapos magsumite ng double-double na 17 puntos at 10 assist sa loob lang ng 24 minuto. Nanguna si Levi Hernandez na may 19 puntos bilang reserba. Ipinasok ni Allana Lim ang 13 ng kanyang 15 puntos sa first half agad kung saan mas madami pa siyang puntos kumpara sa buong Taguig na 12 puntos lang.


Humakot din ng 14 rebound si Lim at sinuportahan ni Best Player Angeli Gloriani na pumukol ng tatlong tres para sa 11 puntos.


Samantala, tinapos na walang talo ng Uratex Tibay at Uratex Dream ang unang araw ng WNBL 3x3. Nagtala ng tatlong tagumpay ang Tibay sa Quezon (22-4), JJD Basketball (21-7) at Dreamers (11-9) sa Pool A habang dalawang panalo ang hawak ng Dream laban sa Amazing (7-6) at JiaGuel (20-8) sa Pool B.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page