Paminsan-minsang pamamasukan, ‘di maituturing na kasambahay
- BULGAR
- Feb 10, 2024
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 10, 2024
Dear Chief Acosta,
Nalaman ko kamakailan na ang pagiging kasambahay ay may mga benepisyo. Kaugnay nito, paminsan-minsan ay naglilinis ako ng bahay ng aking mga kapitbahay kapag wala lang akong pasok sa trabaho, kapalit ng pera. Maituturing ba akong kasambahay nila? -- Minda
Dear Minda,
Matatagpuan ang sagot sa iyong katanungan sa Section 2 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10361 o mas kilala sa tawag na “Domestic Workers Act” o “Batas Kasambahay”, na nagsasaad:
Section 2. Coverage. – This Implementing Rules and Regulations (IRR) shall apply to all parties to an employment contract for the services of the following Kasambahay, whether on a live-in or live-out arrangement, such as but not limited to:
General Househelp;
Yaya;
Cook;
Gardener;
Laundry person; or
Any person who regularly performs domestic work in one household on an occupational basis.
The following are not covered:
Service providers;
Family drivers;
Children under foster family arrangement; and
Any other person who performs work occasionally or sporadically and not on an occupational basis.
Malinaw na nakasaad sa nabanggit na IRR na ang sinumang tao na gumaganap ng trabaho paminsan-minsan at hindi batay sa okupasyon, ay hindi itinuturing na kasambahay. Samakatuwid, hindi ka maituturing na kasambahay ng iyong mga kapitbahay dahil naglilinis ka ng bahay nila paminsan-minsan lamang at kapag wala ka lang pasok sa trabaho.
Nawa ay nasagot namin ang iyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa iyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa mga naisalaysay sa iyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kang sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments