Pamilya, nilait dahil sa hirit na "history is like chismis"… ELLA, NAPUNO NA, NAGBANTA SA NETIZENS
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 10, 2022

Hindi na nakatiis si Ella Cruz at binasag na ang kanyang katahimikan hinggil sa kaliwa’t kanang pambabatikos sa kanya dahil nga sa binitiwan niyang pahayag sa isang panayam na “History is like chismis.”
Ilang araw na ngang pinagpipistahan sa social media si Ella dahil sa naging statement niyang ‘yun at maging ang mga kapwa niya artista ay pinangaralan din siya tulad na lang nina Agot Isidro at Pokwang.
Sa lahat ng batikos ay nanatiling walang kibo si Ella at hindi sumasagot. Pero nang batikusin na ang kanyang ama, dito na siya umalma at nagsalita.
Sa kanyang Facebook page ay ipinost ni Ella ang screenshot ng post ng isang netizen laban sa kanyang ama.
“Nagsalita na 'yung tatay ni Ella Cruz, 'yung naka-2% lang noong eleksiyon. Kaya hindi umabot ng isang libo ang bumoto sa 'yo kasi ang turo mo, 'wag masyadong matalino sa school. Ang kailangan ng bayan natin ay matalino na kayang solusyunan ang mga problema ng bayan,” ang post ng netizen.
Sa caption ay sinabi ng aktres na siya na lang ang i-bash at ‘wag nang idamay ang kanyang pamilya.
“Nathaniel Shawn, Martin Estrella and Toni at kung sino pa,
“Bash me all you want PERO 'WAG N'YONG IDADAMAY PAMILYA KO,” pahayag ni Ella.
“Have a little humanity, please?” pakiusap pa ng aktres.
Matatandaang tumakbo bilang mayor ng Angat, Bulacan ang ama ni Ella nitong nakaraang eleksiyon pero hindi ito pinalad na manalo dahil 731 lang ang botong nakuha nito.





Comments