top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PAMILYA NI MARCO, BOTONG-BOTO KAY CRISTINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 30, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 30, 2023



Kabilang sa mga nag-comment sa relationship reveal nina Marco Gumabao at Cristine Reyes si Barbie Imperial.


Sa comment nitong, “Finally in love si cuzzo!!!,” nalaman kung bakit fake news ang pagka-link nila sa isa't isa.


Mag-pinsan pala sina Marco at Barbie sa Imperial side dahil Imperial ang middle name ni Marco.


Kaya tinawanan lang ng mga nakakaalam sa relasyon ng dalawa ang pagli-link sa kanila ng isang vlogger. Hindi rin naman ikinorek nina Marco at Barbie ang mga misconception kung mag-ano ba talaga sila.


Hindi lang si Barbie ang masaya at parang nag-welcome kay Cristine sa pamilya nila dahil pati ang half-brother ni Marco na si Paolo Gumabao, nag-comment ng “100 %” na ibig sabihin, aprub na aprub siya sa relasyon nina Marco at Cristine.


Nakakatuwa na mas marami ang pabor kesa sa hindi sa relasyon ng dalawa. Ang positive ng mga comments sa socmed account nila at ginagawa na lang biro ang pagiging cougar daw ni Cristine.


Sa Facebook ng aktres, ang photo nila ni Marco na nasa beach ang DP (display picture) niya at nakasulat ang “Definitely not Tropa anymore.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page