ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 16, 2024
Ayaw pa ring manahimik ng mga Marites sa showbiz at interesado pa ring malaman ang update sa Bea Alonzo-Dominic Roque breakup, kahit na humihingi na ng privacy ang ex-couple at gusto nang matigil ang mga isyu sa kanilang paghihiwalay.
Parang bitin pa ang lahat at gustong tutukan ang mga kaganapan sa buhay ng dating magkarelasyon.
Sa isang nakaraang interview kasi ni Dominic bago pa sila nagkahiwalay ay nabanggit niya na kabe-break lang niya sa kanyang ex-girlfriend nang magkakilala sila ni Bea. At alam daw ng aktres ang tungkol sa nakaraang relasyon ni Dominic bago pa sila naging close.
At that time ay pareho silang single dahil um-exit na rin sa buhay ni Bea si Gerald Anderson.
May ilang netizens tuloy ang interesadong malaman kung sino ang ex-girlfriend ni Dominic bago siya nanligaw kay Bea. Artista rin ba ito o non-showbiz?
For sure, kilalang-kilala ng ex-girlfriend ni Dom ang buong pagkatao ng aktor. Aware rin kaya ang nasabing ex-GF sa mga nababalitang tsismis tungkol sa diumano'y gay benefactor ni Dominic?
Anyway, maraming kaibigan ni Dominic ang nagtatanggol sa kanya at nagsasabing hindi ang yaman ni Bea ang habol ng aktor kaya nito niligawan si Bea.
Dati na niyang crush ang aktres at medyo nag-alangan lang siyang lumapit noon dahil sikat na sikat na si Bea.
Ganunpaman, itinuloy niya ang panliligaw dahil sa payo ng mga kaibigan. At nakapasa naman siya kay Bea at naging magkarelasyon nga sila.
'Yun nga lang, may mga issues na lumabas kung kailan nakatakda nang magpakasal ang dalawa.
Isa si Bea sa richest celebrities sa showbiz na kalinya nina Gretchen Barretto, Sharon Cuneta, Piolo Pascual at marami pang iba. Reportedly, may net worth si Bea na P2 billion plus, samantalang si Dominic ay P30M lang daw ang naipundar na yaman.
Dito na lumutang ang isyu na gusto raw ng partido ni Bea na magkaroon sila ng prenup agreement.
May ibang version naman ang nagsasabing si Dominic Roque mismo ang humiling ng prenup agreement. Pero, dahil sa gulo at mga issues, minabuti na nina Bea at Dominic na tapusin na ang kanilang relasyon at tuluyang i-cancel ang kanilang kasal.
Comentarios