Pamilya, may gas station… DONNY, NAGBIGAY NG P3 DISCOUNT SA PRESYO NG GAS PARA TULONG SA MGA DRAYBER
- BULGAR

- 4 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 18, 2026

Photo: Donny Pangilinan - Instagram
May mga tao talaga na sa halip na magpasalamat sa mga blessings, nagrereklamo pa, kaya dapat lang na i-call-out sila sa masama nilang ugali.
Tingnan n’yo naman, nag-offer na nga sina Anthony Pangilinan at anak na si Donny Pangilinan ng reduced diesel price sa gas station nila sa South Forbes simula kahapon, pero sa halip na magpasalamat, may mga mababasa pang reklamo mula sa ilang netizens.
Malayo naman daw ang South Forbes na nasa Cavite sa lugar kung saan maraming drivers, at mayayaman ang nakatira sa nasabing area.
Marami rin namang dumadaan na regular lang ang income at sila ang tutulungan ng mag-ama.
Sabi ni Anthony, idea ni Donny ang pagbawas ng presyo ng gasoline para makatulong. Ginawa na nila ito, ang mag-offer ng free gas sa anniversary ng kanilang gas station at ginawa uli ngayon. Kahit hindi libre, malaking bagay pa rin ang P3 per liter na ibabawas sa regular price na babayaran ng mga consumers.
“Let’s all do what we can, while we can, for as long as we are able,” sabi ni Anthony.
Marami ang nagpasalamat kina Anthony at Donny at sana raw, gayahin ng ilang gas station owners.
Nabanggit si Cong. Bong Suntay na may gas station na sana ay mag-roll back din ng presyo ng gasolina.
KABILANG sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa mga guests sa Born to Shine (BTS), ang musical drama series ng GMA-7.
Magdyowa in real life ang dalawa at sa series, magiging mag-asawa at magkakaanak pa sila.
Ang mga karakter nina Julie at Rayver ang younger version ng karakter ni Vina Morales at ng aktor na gaganap na parents ni Olive May. Ayaw pang i-reveal ni Director Rod Marmol kung sino ang gaganap na older Rayver, abangan na lang daw.
Ikinatuwa ng JulieVer fans nina Julie at Rayver ang pagge-guest ng dalawa kahit sandali lang ang kanilang exposure. Bagay daw sa kanila ang kanilang mga roles, si Julie ang younger Dara Halari at member naman ng banda si Rayver na pag-aagawan nina Julie at Mikee Quintos, na gaganap naman as the young Manilyn Reynes.
Sa Instagram (IG) nina Julie at Rayver, naka-post ang teaser trailer ng BTS na ipinapakita ang kanilang eksena.
Ang request ng mga fans sa GMA, sana after the series, bigyan ng musical drama series sina Julie Anne at Rayver dahil bagay sa kanila.
MAANGAS ang image ni Joseph Marco at astig din madalas ang mga ginagampanan nitong roles sa movies and TV series.
Gaya na lang sa role niya sa My Husband Is a Mafia Boss (MHIAMB), isang maangas na lider ng mafia, pumapatay at palaban.
But in real life, Joseph is a softie, animal lover, and a certified cat person. Ang dami nitong alagang rescued cats at siguradong nadagdagan ang 10 alaga niya na nakita niya sa kalsada, sa parking lot, sa set ng taping at shooting, na isinama niya sa kanyang bahay at inaalagaan.
Ang bago nitong rescued cat na si Nyla ay may leukemia at nagki-chemo. Nangako si Joseph na hindi niya ito iiwan kahit alam na malaki ang gagastusin niya.
Prayers ang hiningi niya para kay Nyla na February, 2026 lang niya na-rescue.
Isa sa mga nag-comment si Jodi Sta. Maria at sabi, “God bless your heart. May Nyla be free from leukemia.”
Sagot ni Joseph, “@jodistamaria that means a lot. Thank you.”
Samantala, sa April 11, 2026 na ang streaming ng My Husband Is a Mafia Boss sa direction ni Fifth Solomon. Leading lady ni Joseph si Rhen Escaño na isini-ship ng mga fans sa aktor. Nakakatuwa ang trailer ng series kaya marami ang kinikilig.
NAGSIMULA nang mag-taping si Eman Bacosa Pacquiao ng Never Say Die (NSD) at sa first day, binisita ni Jillian Ward si Eman sa tent nito.
Sa second day taping, may eksena yata sila ni Jillian dahil magkasama na naman sila.
Hindi pa sinasabi kung ano ang role niya sa action series nina Jillian at David Licauco. Sa dialogue ng aktres, parang ang karakter ni Eman ang lalapitan niya para humingi ng tulong para harapin ang mga kalaban.
Inaabangan na ang airing ng mga eksena ni Eman sa series at wish ng mga fans, sana ay marami itong action scenes.
Isa pang request, sana, siya ang endgame ng karakter ni Jillian sa series, bagay na inalmahan ng mga fans ni David.
Si David Licauco daw ang partner ni Jillian at guest lang si Eman Bacosa at dapat hindi magtagal ang exposure. May mga pabirong reklamo rin na sana, hindi makalimutan ng GMA na i-hype rin ang pagpasok sa series ni Heath Jornales na guest din.




Comments