Pamilya, 'di totoong boto sa aktor… RIA, SUMAMA NA RAW KAY ZANJOE SA BATANGAS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 12, 2022

Recently, ilang press people ang na-meet ang daddy ni Ria Atayde sa isang event. Hindi maiwasan na tanungin si Mr. Art Atayde tungkol sa bali-balitang nagpakasal na ang kanyang anak na si Ria at ang BF nitong si Zanjoe Marudo.
Kahit anong pilit ay hindi talaga nagbigay ng comment ang daddy ni Ria. Ang tanging nasabi lang nito ay hindi siya nakikialam sa love life ng kanyang mga anak. Kaya naman wala pa ring linaw kung may kasalan ngang naganap kina Ria at Zanjoe.
Pero, ilang taong close kina Ria at Zanjoe ang nagsasabing nasa bayan ng hunk actor sa Batangas si Ria Atayde. Sumama na nga ito kay Zanjoe pero wala pa ring balak na umamin kung ano na ang real score sa kanila.
Marami naman ang naiintriga kung bakit parang walang alam ang pamilya ni Ria sa balitang nagpakasal na ito kay Zanjoe Marudo. Sadya bang inilihim ito ni Ria sa kanyang parents dahil alam niyang tutol ang mga ito sa kanyang BF?
So, hindi pala totoong tanggap na ni Sylvia Sanchez ang relasyon nina Ria at Zanjoe?
Anyway, nasa tamang edad na rin naman si Ria kaya kung nakagawa man siya ng malaking desisyon sa personal niyang buhay, kaya na niyang dalhin ang kanyang sarili.





Comments