top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pambukid na lang ang byuti… ANGEL, NAWALAN NA NG ENDORSEMENTS AT SHOW DAHIL TUMABA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 10, 2021





Maraming product endorsements ang nawawala ngayon kay Angel Locsin dahil sa paglobo ng kanyang katawan. Big factor para sa isang endorser na physically fit siya kahit na anong produkto pa ang kanyang i-endorse.


Hindi lang 'yun naidadaan sa ganda ng mukha o popularidad ng isang celebrity. At obvious nga na nabawasan ang endorsements ni Angel simula nang mag-gain siya ng weight last 2020 at kumalat na sa social media ang kanyang “malulusog” na photos.


'Yun ngang isang produkto na dati ay sila ni Jericho Rosales ang endorser, ngayon ay si Jennylyn Mercado na ang kasama ng aktor.


Maging sa mga TV shows, malilimitahan na ang role na puwedeng bumagay kay Angel Locsin. 'Yung show niyang Iba 'Yan ay more on public service program.


Napabayaan ni Angel ang kanyang sarili kaya maraming oportunidad ang nakawala sa kanya. Pero kung mag-aasawa na siya at magpapakasal sa nobyong si Neil Arce, pahinga muna siya sa showbiz.


Mukhang napaghandaan na nga ni Angel Locsin ang kanyang pagse-semi-retire sa showbiz. May nabili na siyang farm sa Bulacan at 'yun ang kanyang tututukan habang nagbabawas ng timbang. Unless, gugustuhin na rin niya na maging full-time wife at magkaroon ng mga anak.


Ang ibang nakasabayang artista noon ni Angel ay nagsipag-asawa na at may sarili nang pamilya. May choice naman si Angel Locsin kung ano'ng buhay ang gusto niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page