top of page

Pambubugbog sa driver, after pumutok… RHIAN, IN-UNFOLLOW NG MGA NETIZENS, MICHELLE AT SAM, NAG-OFF NG COMMENTS SECTION NG IG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 30, 2026



Rhian Ramos, Michelle Dee at Sam Panlilio - IG

Photo: Rhian Ramos, Michelle Dee at Sam Panlilio - IG



Kinalkal na ng mga netizens ang Instagram (IG) ni Rhian Ramos at kani-kanya sila ng comment tungkol sa isyu ng aktres at ni Michelle Dee laban sa driver na diumano'y pinahirapan o tinortyur nila. 


Kahit birthday message para kay Dra. Vicki Belo ang post ng Kapuso actress, tuloy pa rin ang pag-comment ng mga netizens.


Sample ng mga comments… 


“Dedma pa ‘yan s’ya, kawawa ‘yung driver.” 

“I’m so disappointed with Rhian. How can you guys treat another human like that? I have to unfollow (Rhian).” 


May comment pa na, “Kahit baliktarin n’yo pa ang istorya ni Kuya, walang maniniwala sa inyo.” 


“Being rich doesn’t give you the right to be heartless and so yabang.” 

“Okey lang kung ano’ng kinks nila or trip nilang tatlo pero sana, iningatan nila ‘yung pictures, ‘di ‘yung mambubugbog nu’ng may nakakita na iba.”


May mga comments na Team Rhian at pakinggan daw ang side ng aktres at beauty queen, hindi ‘yung idya-judge agad ang dalawa. 


Baka kapag narinig ang side nila, magbago ang sasabihin ng mga netizens. 

May nag-wish naman na sana, hindi totoo ang balita at sana ay hindi makaapekto kay Rhian.


May mga nag-unfollow na kay Rhian sa IG, may kinansel na siya at may galit na galit. Meron namang pumuri sa kanya dahil hindi nag-o-off ng comment box. 


Si Michelle Dee kasi, in-off na ang comment box sa mga latest post niya, pati ang isa pang beauty queen na si Samantha Panlilio na kasamang inakusahan ng driver.



Puwede naman daw pala…

ECHO AT ANNE, TUWANG-TUWA NA IBINABA ANG PRESYO NG TIKET NG MOVIE NILA



ANG post ni Jericho Rosales na, “Thank you @sm_cinema,” ay dahil ibinaba ng SM Cinemas ang ticket price ng The Loved One (TLO), ang pelikula nila ni Anne Curtis. 

Sa halip na P500 or more, mapapanood sa SM Cinemas ang nasabing pelikula sa Metro Manila sa halagang P275 at P230 naman outside Metro Manila.


Una nang nag-react si Anne sa ginawa ng SM Cinemas at ang sabi, “YEHEY!!! Perfect for Valentines!!!” 


Natuwa rin ang mga fans at moviegoers at wish nilang sana sa lahat ng sinehan kung saan ipapalabas ang pelikula ay magbaba rin ng ticket price.


Puwede naman daw palang ibaba ang ticket price, bakit hindi na lang i-adopt ng ibang mga cinema owners ang ginawa ng SM Cinemas? 


Sigurado raw na hindi lang sa February 11 na opening date ng movie dadagsa ang mga moviegoers kundi sa buong panahon ng showing nito.


Dagdag sa excitement ng fans ang OST (official soundtrack) ng TLO na Multo ng Cup of Joe (COJ). Kapag narinig ang song, mapapakanta raw ang mga moviegoers at wish ng mga fans na isama ang COJ sa promo nina Jericho at Anne.


And speaking of Jericho, nag-comment si Jessica Gutierrez, sister ni Janine Gutierrez, ng “UGHHHHH! DYINGGGGG!” sa post ng aktor ng movie poster. 

Sagot ni Jericho, “Hinga.” 


Marami rin ang nag-comment na panonoorin nila ang pelikula ni Direk Irene Villamor hindi lang dahil sa cast kundi pati sa director at sa story ng movie na alam daw nilang maganda.



After ng hiwalayan…

SARAH, PROUD NA MAY BAGONG BAHAY NA



BALIK-PELIKULA na rin si Sarah Lahbati dahil kasama siya sa cast ng pelikulang BuyBust: The Undesirables (BTU) na sina Anne Curtis at Gerald Anderson ang lead. Hindi nabanggit ni Sarah kung ano ang role niya sa pelikula ni Erik Matti.


Sabi nito, “Hours in the make-up chair. Lines reviewed between takes. Scenes pushed through a cold misty drizzle. When there was a chance to rest, we rested. When it was time to roll, she locked in. Committed.


“Stills on a multi-cam set are never easy: limited movement, existing light only, moments moving fast. Crew busting. The biggest challenge of all—seeing anew.”


Comment ng mga fans, kamukha ni Sarah ang anak na si Zion sa photo na ipinost niya, at ang ibang mga comments, natutuwa para sa kanya. 


Karamihan naman ay pinansin ang walang kupas niyang ganda at ang palaban niyang face card.


Hindi lang pelikula ang bago kay Sarah Lahbati, lumipat na rin siya sa bagong bahay. Excited siya na ayusin ito para sa kanyang mga anak. 


“New year, new home,” ang sabi nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page