top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pambawi sa mga nalustay na datung? PACQUIAO, BALIK-BOXING AFTER MATALO SA ELEKSIYON

BULGAR
May 15, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 15, 2022



Nanalong muli si Jimuel Pacquiao para sa kanyang ikalawang laban sa boksing bilang amateur fighter sa US.


Habang bising-busy ang mga magulang ni Jimuel na sina Sen. Manny at Jinkee Pacquiao sa halalan sa 'Pinas, naka-focus naman ang batang Pacquiao sa kanyang training sa ibang bansa.


We heard, gumagawa na raw ng sarili niyang name si Jimuel sa amateur boxing sa US. Inile-level na raw ang kasikatan niya sa ibang featherweight champion doon.


Sa last fight niya, ang dami raw nagtsi-cheer kay Jimuel. For sure, ang dami na ring umaaligi-aligid na girls sa kanya.


Sa isang interbyu, sabi ni Jimuel, “A lot better than the first one. I have a little more experience so I tried to be more relaxed. I was more focused. Hindi ko naman masyadong iniisip ang tao, so I was able to do what I want to do."


Pero ngayong tapos na ang eleksiyon, tiyak na matutupad ang wish ni Jimuel na puntahan siya sa Amerika ng kanyang pamilya para personal na mapanood ang kanyang laban.


After matalo ni Sen. Manny last election, inaabangan ng madlang pipol kung babawiin niya ang deklarasyon na magre-retire na sa boksing. Posible raw kasi na muling sumabak sa boxing ring si Sen. Pacquiao para siguro makabawi-bawi sa nagastos niya noong eleksiyon, kung meron man.


Or better yet, sa dami ng achievements niya sa buhay, baka need naman ng bagong “title” ni Sen. Manny bilang trainer/coach ni Jimuel. Malay natin, mapag-champion ni Sen. Manny ang kanyang panganay na si Jimuel at maging susunod na boxing pride ng Pilipinas tulad niya.


And of course, makapagbigay din ng milyones si Jimuel sa kanyang mga magulang kapag naging champion na rin siya sa boksing.


Devah?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page