Pamasko sa mga magsasaka ng niyog, ipaprayoridad ang Coconut Levy Trust Fund!

ni Ka Ambo - @Bistado | December 16, 2020
May magandang pamasko ang Kamara sa mga magsasaka ng niyog.
Bibigyan ng prayoridad ang panuklang Coconut Levy Trust Fund.
Dahil dito, madaragdagan ng P3.5 milyon ang kita ng coconut farmers sa 68 lalawigan!
◘◘◘
Tinatawag ito ng mga ng eksperto na “social equity” o pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Inaasahan ang muling pagsigla ng industriya at mas magiging moderno na ito kung kaya siguradong lalaki ang produksiyon!
◘◘◘
Maituturing na poorest of the poor ang hanay ng mga coconut farmers sa mga liblib na lugar sa Kabisayaan at Mindanao.
“The establishment of the trust fund will ensure that the recovered coco levy funds will be used for the development of the coconut industry and to uplift the lives of coco farmers who are among the poorest in the country,” wika ni House Speaker Lord Alan Velasco.
◘◘◘
Sa ilalim ng House Bill No. 8136 na inendorso ni House Committee on Agriculture and Food chairman Quezon Rep. Wilfredo Mark Enverga, matitiyak na mapakikinabangan ng lahat ng mga magsasaka ng niyog.
Nasa P76 bilyon na ang Trust Fund at pati na ang assets nito sa ngayon!
◘◘◘
Nakasaad sa HB 8136 na tatagal nang 99 years ang Trust Fund sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan na gagawin ng nakatokang Philippine Coconut Authority.
Kapag naisabatas ito, isa ito sa magiging pinakamatingkad na pamana ni Pangulong Duterte sa mga magsasaka ng niyog!
◘◘◘
Ayon kay Velasco, agree siya kay President Duterte na napapanahon at kailangan na talaga ang pagbuo ng Coconut Levy Trust Fund at proud na proud siya na naging parte siya ng pagbuo nito.
Tiyak nang lulusot ang panukalang ito sa second at final reading sa lalong madaling panahon!
◘◘◘
Mula nang mapuwesto noong October, naitulak agad ni Velasco ang 2021 People’s Budget nang mabilis at wala siyang pinaboran na legislative districts.
Pinagbawalan niya ang kanyang mga kasamahan na magsaksak ng pork barrel at illegal insertions, hindi tulad sa unang ginawa ng napatalsik na liderato!
◘◘◘
Katanggap-tanggap sa Senado ang ipinadala ng Kamara na 2021 General Appropriations Act at walang naging sakit ng ulo si Senate Finance Committee chairman Senator Sonny Angara.
Wala ring naging pagtatalo ang mga senador at kongresista sa kanilang bicameral conference committee hearings!
◘◘◘
Ratipikado na ang 2021 People’s Budget at siguradong mapakikinabangan ito ng mga Pilipino sa susunod na taon.
Inaasahang lalagdaang ito ng Pangulong Digong upang maipatupad agad sa bungad ng taon!





Comments