top of page
Search
  • BULGAR

Pamasko sa mga fans… SEN. BONG, MAMIMIGAY ULI NG MGA KOTSE, MOTOR, LAPTOP, ETC.

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 1, 2022



Matapos mamigay ng malalaking cash prizes, mga kotse, motorsiklo, bisikleta, laptop at tablets noong kanyang kaarawan last September, mamamahagi na naman si Sen. Bong Revilla, Jr. ng pamaskong regalo sa kanyang Alyas Pogi Christmas Giveaways.


Tulad ng dati, tatlong kotse, 6 na motorsiklo at cash prizes ang ipamimigay ni Sen. Bong sa mga masusuwerteng sasali. Kailangan lang na magpa-register sa FB account ni Sen. Bong.



May ilang grupo naman ng entertainment press ang nagtatanong kung may inihanda rin kayang giveaways si Sen. Bong para sa entertainment press? Alam namin na malapit sa puso ng Senador ang media dahil sila ang naging kakampi niya noong panahon na nagdaan siya sa maraming pagsubok ng buhay. Hindi siya hinusgahan, sa halip ay dinamayan at binigyan ng moral support.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page