top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pamangkin ni Jinkee, 'di raw talaga BF… ARCI, KOREAN ANG GUSTONG MAGING DYOWA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 28, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 28, 2023



Nakunan namin ng official statement si Arci Muñoz tungkol sa pagkaka-link niya sa pamangkin ni Jinkee Pacquiao na si Seth Jamora.


Nagkaroon kami ng chance na tanungin si Arci para linawin ang real score sa kanila ng pamangkin ni Jinkee sa story conference ng gagawin niyang movie under NDM Studios, ang Jeje Vu na ididirek ng Palanca award-winning writer na si Njel de Mesa.


Si Direk Njel ang unang nagbigay ng reaksiyon sa isyu dahil close friends sila ni Arci.


Sey ni Direk Njel, “Alam mo, pinag-usapan namin 'yan kanina. May nag-leak lang na isang press na gusto lang magpakakontrobersiyal.”


Iba naman ang napi-feel ni Arci sa issue linking her to Seth.


Pahayag niya, “Naawa tuloy ako sa tao. Kawawa naman 'yung tao. Okey lang naman (ma-link ako kay Seth). Hindi naman siguro, ganoon lang talaga siguro kapag wala na silang masabi sa 'yo. Okey lang.”


Matagal na raw silang magkaibigan ni Seth kaya hindi siya nagagalit kung may ganyang isyu sa kanila.


Pero, ang ayaw lang ni Arci ay ‘yung maapektuhan na ang pamilya ni Seth.


“Sa mga gumagawa ng isyu sa amin, ay, okay lang. Hayaan mo sila,” keribels na sabi ni Arci.



Sa ngayon ay wala pa talagang “official boyfriend” si Arci. It’s been almost four years since she had a boyfriend, ang Chinese businessman na si Anthony Ng.


At kung magko-connive nga raw ang universe, sana ay mayroon siyang ma-meet na “Korean Oppa” kapag nagsimula na silang mag-shoot sa Korea ng Jeje Vu sa susunod na buwan.


“Feeling ko talaga si Lord, ano, ibibigay Niya sa akin 'yun (partner) kapag natapos ko na ang lahat ng gusto kong gawin sa life. Or, hindi ko alam kung ano 'yung purpose ng mga pangyayari sa life, eh. Kasi, sabi ko nga, dumating na rin ako sa point ng life ko na, not sa age, maybe, ano, it will come at the right time,” lahad ni Arci.


Saveeeeh?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page