Palpak na diskarte ng awtoridad, dahilan kaya maraming namamatay sa stress sa COVID

ni Ka Ambo - @Bistado | February 24, 2021
Nagkaletse-letse na ang delivery ng bakuna.
Military kasi ang big boss imbes na businessman!
◘◘◘
Hindi pa rin paluluwagin ang galaw ng tao sa Metro Manila.
Talagang palpak ang diskarte!
◘◘◘
Marami na ang namamatay sa stress imbes na sa COVID.
Ang sanhi nito ay maling desisyon ng mga awtoridad!
◘◘◘
Maglalaan ng P1 bilyon ang isang korporasyon para pambili ng bakuna sa kanilang mga personnel.
‘Yan naman talaga ang dapat!
◘◘◘
Tahimik lang ang mga pusakal na ismagler na mas maraming istak.
Tuma-timing lang sila bago ibenta ang epektos!
◘◘◘
Ang dapat ginawang COVID czar ay beteranong ismagler.
Kapag ismagler, alam niya ang pasikut-sikot ng transaksiyon.
Ha-ha-ha!
◘◘◘
Napuno na ang mga capacity sa mga resort sa Batangas.
‘Yan ang normal!
◘◘◘
Ang ibang lugar, na eengot-engot ang LGU executives ay nagdarahop pa rin ang ekonomiya.
Ang buhay ng mamamayan ay nakasalalay sa LGU execs.
Diska-diskarte lang ang buhay, hindi tutulug-tulog!
◘◘◘
Yumao na ang aking nakatatandang kapatid na si Genaro “Jerry” Ambrocio, isa ring mystic columnist sa ating pahayagang BULGAR, dahil sa cyst sa lalamunan.
Nakahimlay ang kanyang labi sa San Lorenzo Coop Chapel sa tabi ng town hall at simbahan sa Balagtas, Bulacan.
Ngayong Sabado, ihahatid sa huling hantungan ang kanyang mga labi!





Comments