top of page
Search

Palpak, abusado at korup sa Marcos Admin, lagot kay VP Sara

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 21, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


GOV. RAMIL HERNANDEZ AT COL. GAUVIN UNOS WA’ KAMPANYA VS. ILLEGAL GAMBLING KAYA SANDAMAKMAK ANG GAMBLING LORDS SA LAGUNA --Sa House hearing noon tungkol sa illegal gambling sa Region 4-A ay kabilang ang Laguna sa nabulgar na may pinakamaraming pasugalan.


Dapat ang ginawa nina Laguna Gov. Ramil Hernandez at Laguna PD Col. Gauvin Unos ay nagdeklara na sila ng war on illegal gambling sa probinsya, pero hindi nila ginagawa, kaya ang resulta, imbes mawala ay lalong pang dumami ang mga gambling lords ng STL-bookies, lotteng at Ez-2 sa katauhan nina alyas “Mang Mon,” "Toce," "Haruta," "Venir," "Alvarez," "Aris," "Lade," Tita," "Anton," "Onad" at "Jolem," tsk!


XXX


MGA PALPAK, ABUSADO AT CORRUPT SA MARCOS ADMIN, LAGOT KAY VP SARA -- Hindi man aminin ay tiyak kakaba-kaba na si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa pag-resign ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio bilang kalihim ng Dept. of Education (DepEd) at vice chairman ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).


Ngayon kasing hindi na miyembro ng gabinete ni PBBM si VP Sara ay tiyak ang bise presidente ang siyang magiging mata at tainga ng mamamayan sa mga maling polisiya ng Marcos administration.


Ibig sabihin, lagot ang Marcos admin kapag maraming palpak, pang-aabuso at corruption na magaganap sa gobyerno dahil tiyak puputaktihin na sila ng batikos ni VP Sara, abangan!


XXX


PAMUMUNUAN NA NGA NI VP SARA ANG OPOSISYON, KINUKONTRA PA NI DE LIMA -- Sabi ni dating Presidential spokesman Harry Roque na dahil hindi na miyembro ng gabinete ni PBBM si VP Sara, ay ang bise presidente na raw ang mamumuno sa oposisyon, pero kinontra ito ni dating Sen. Leila de Lima kasi ang grupo daw nila ang tunay na oposisyon.


Hay naku, kumalas na nga sa Marcos admin si VP Sara para pamunuan ang oposisyon,

eh itong si De Lima, ayaw pa, tsk!


XXX


SA PAMUMUNO NG MGA DUTERTE, SAFE ANG DAVAO CITY, AT SA PAMUMUNO NI EX-P-DUTERTE SAFE ANG ‘PINAS -- Nagpahayag ng suporta si presidential sister, Sen. Imee Marcos kay VP Sara dahil ayon sa senadora ay gusto raw niya ang istilo ng pamumuno ng pamilyang Duterte.


May punto si Sen. Imee sa sinabi niyang iyan kasi sa inilabas na survey ng Numbeo’s Southeast Asia Safety Index 2023 ay rank number 2 ang Davao City sa Southeast Asia, at sa survey naman na isinagawa ng Gallup Law and Order Index noong year 2022, sa panahon na si ex-P-Duterte pa ang presidente ng bansa ay nag-rank 3 ang Pilipinas bilang safest country sa Southeast Asia.


Ika nga, sa pamumuno ng mga Duterte sa Davao City, at sa naging leadership noon ni ex-P-Duterte sa Pinas ay safe na safe sa mga kriminal ang mamamayang Pinoy, period!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page