Paliwanag tungkol sa “right to repurchase”
- BULGAR
- Apr 9, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 09, 2021
Dear Chief Acosta,
Pag-aari naming tatlong magkapatid ang undivided na lupang pangsakahan at pumasok kami sa kontrata kung saan ibinibenta namin ang nasabing lupain, na mayroong right to repurchase, para maaari namin itong mabawi kung sakaling bumuti ang aming pinansiyal na kalagayan. Kinausap ang aming napagbentahan ng naturang lupain kung maaari bang ako na lang ang bumili at bumawi ng kabuuan nito. Ano ang batas tungkol dito? – Eva
Dear Eva,
Ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Articles 1612 ng New Civil Code of the Philippines, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:
“Article 1612. If several persons, jointly and in the same contract, should sell an undivided immovable with a right of repurchase, none of them may exercise this right for more than his respective share.
The same rule shall apply if the person who sold an immovable alone has left several heirs, in which case each of the latter may only redeem the part which he may have acquired.”
Ibig sabihin, kung ang pagbenta ng maraming tao sa iisang kontrata ng undivided immovable ay may kaakibat na right of repurchase, maaari lamang mag-exercise ng right of repurchase ang bawat isa sa mga nagbenta hanggang sa kanilang respective share lamang.
Sa inyong sitwasyon, maaaring tumutol ang napagbentahan ninyo ng inyong undivided na lupain na nakapaloob sa kontrata na may kaakibat na right of repurchase sapagkat, kayo, bilang isa lamang sa mga co-owners ng undivided na lupain ay maaari lamang mag-repurchase nito hanggang sa inyong kaukulang hati sa nasabing lupain, at hindi para sa kabuuan nito (Jurado, Civil Law Reviewer, 21st Ed., 2009, at 995).
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments