Palit kay Dingdong… RURU, 7 ARAW MAY SHOW SA GMA-7
ni Nitz Miralles - @Bida | August 29, 2022

Si Ruru Madrid ang papalit kay Dingdong Dantes sa mga Kapuso stars na mapapanood mula Monday to Sunday.
Monday to Friday ang airing ng Lolong at Saturday and Sunday naman ang airing ng Running Man PH. At kung nasa All-Out Sundays pa siya, siya na ang may pinakamaraming shows sa GMA-7.
Sixteen weeks tatakbo ang Running Man PH kaya kahit magtapos ang Lolong, may shows pa rin si Ruru.
Very happy si Ruru sa Lolong. Hindi raw nila ine-expect na malakas ang pagtanggap ng mga viewers sa serye na pati mga bata, join sa Lolong fever. Hindi na nga lang ito mae-extend dahil tapos na sila sa taping.
Umaasa rin si Ruru na maganda ang pagtanggap ng mga viewers sa Running Man PH at ang alam niya, maraming Pinoy fans ang popular variety program ng Korea na nangangakong susuportahan ang Pinoy version.
Nakakapagod, pero sobrang saya raw ang taping nila at paggawa ng mga mission.
May maiksi palang sagot si Ruru sa isyu ng amang si Bong Madrid at ni RR Enriquez dahil sa kanila ni Bianca Umali.
Sinagot ni Bong ang pagsawsaw ni RR sa “walang label” na pahayag ni Ruru sa relasyon nila ni Bianca at sumagot din si RR.
“Sabi ko, ‘wag nang patulan, we can’t please everyone. Kung ‘yun ang opinyon niya, wala tayong magagawa. Kami ni Bianca, what you see is what you get. At sa mga nakakakilala sa amin, alam nila ang totoo. Sa trabaho tayo mag-focus. Thankful ako sa Lolong at sana, maganda rin ang result ng Running Man PH,” sabi ni Ruru.





Comments