top of page

Paldo!!! SB19, SINABITAN NG DOLLAR GARLAND NG FANS ABROAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2025
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 30, 2025



Photo: SB19 - IG


Hot topic ngayon sa online world ang kakaiba at ‘yayamaning’ pag-welcome ng A’TIN fans ng SB19 nang dumating ang grupo sa Pechanga Airport last Sunday, July 27, para sa kanilang Simula at Wakas world tour sa Pechanga Resort Casino.


Ipinost ng mga fans ang photos and videos ng pagsalubong nila sa kanilang idolo at makikita nga rito na pagdating na pagdating pa lang sa airport ng tinaguriang Kings of Pinoy Pop ay sinalubong na sila ng A’TIN at sinabitan sila isa-isa ng garland.


Pero sa halip na mga bulaklak ang nakakuwintas sa garland ay mga US dollars ito, take note. Kaya naman tinawag ito ng mga fans na ‘dollar garland.’

Agad nag-viral ang photo and videos at makikita ngang na-amaze rin ang mga miyembrong sina Pablo, Josh, Stell, Ken and Justin sa kanilang natanggap na dollar garland.


Pinag-usapan nga agad kung gaano kayaman ang A’TIN sa kanilang ginawa para sa kanilang idolo.


Sey nga ng isang fan, “‘Di bale nang maubos ang pera namin, basta sa SB19 lang mapunta.”


Nainggit naman ang A’TIN Ph. kaya pagbalik daw sa Pilipinas ng grupo ay baka gawin din nila ito.


“Ihanda ang ating Peso garland sa pag-uwi! Nakakamatay ang inggit. Lol,” sabi ng isang Pinay A’TIN.


Narito naman ang iba pang komento ng fans…


“Ang yayaman, hahaha.”


“Ito ang pinakabonggang salubong.”


“Dito sa ‘Pinas, ganu’n din. Sana gawin natin.”


“Grabeh naman magmahal ang A'TIN.”


Sana raw matupad…

ZSA ZSA, BILIB SA TAPANG NI PBBM SA SONA


NAGHAYAG ng kanyang saloobin si Zsa Zsa Padilla sa fourth State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na ginanap last Monday, July 28.

Sa kanyang Instagram post ay naging vocal ang Divine Diva at sinabing nagustuhan niya ang mga naging pahayag ni PBBM.


“Marami akong nagustuhan sa talumpati ng ating Pangulong BBM. Ang matapang niyang pagtutok sa mga usaping tunay na mahalaga sa bawat Pilipino - mula sa kalusugan at edukasyon, hanggang sa presyo ng bigas at higit sa lahat, sa kaligtasan ng mamamayan. 


“Malaking bagay din para sa atin ang pagpapalakas ng PhilHealth, na nagbibigay ng ginhawa at kasiguraduhan sa ating mga pamilya lalo na sa panahon ng kagipitan.


Gayundin, ang pagbibigay ng mataas na importansiya sa edukasyon, hindi lamang para sa mga mag-aaral kundi para na rin sa ating mga mahal na guro - ang haligi ng kaalaman at inspirasyon ng ating kabataan,” ang pahayag ni Zsa Zsa.


Pinuri rin niya ang ‘pagsita’ ng Pangulo sa mga taong dapat managot sa flood control.

“Pinakagusto ko ang kanyang pagbibigay-diin sa accountability, lalo na pagdating sa tiwalas na practice ng flood control,” aniya.


“Sa wakas, isang matapang na Presidente ang humarap sa sambayanang Pilipino upang ipangako ang listahan ng mga hakbang na ito. Aasahan ko, kasama ng sambayanang Pilipino, ang pagtupad sa mga ito, upang magkaroon ng tunay na pananagutan sa napakalaking perhuwisyong dulot hindi lamang sa ating bayan, kundi sa mismong buhay ng bawat isa sa atin,” saad pa niya.


Sinabi rin ng singer na umaasa siyang sa susunod na tatlong taon ng pamumuno ng Pangulo ay magkakaroon na ng magandang pagbabago sa ating bansa.


“Buong puso kong inaabangan ang mga makabuluhang pagbabagong magaganap sa ating pamahalaan sa susunod pang tatlong taon. Mabuhay ang ating Pangulong BBM at mabuhay ang sambayanang Pilipino!” aniya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page