Paldo araw-araw… WEDDING CAKE NINA BEA AT VINCENT, BIGLANG NAGING MABENTA
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 23, 2026

Photo: IG _beaalonzo
Biglang sumikat at naging malaki ang demand sa simpleng wedding cake nina Bea Alonzo at Vincent Co mula nang i-post sa social media kung saan nila in-order ito.
Walang tigil ang pag-order ng mga fans sa cake na may simpleng mensaheng ‘Just Married’ na nag-trending sa social media.
Ang simple ngunit eleganteng wedding cake ng bagong kasal ay hindi inaasahang naging isa sa mga pinakapinag-uusapang detalye mula sa kanilang intimate civil wedding, na umakit ng atensiyon hindi lamang mula sa mga fans kundi pati na rin sa mga customers na sabik na matikman ang sikat na disenyo ng wedding cake na ang presyo ay nasa P3,000 lang daw.
Sa kanyang Facebook (FB) account, ipinahayag ni Wado Tan Siman ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng pag-post ng “SALAMAT, BASHA (Bea)” kasama ang heart emoji.
“Paldo kami araw-araw,” kaswal niyang sabi.
Ang mga netizens, nasiyahan din sa pag-iisip ng mga personalized na mensahe na kanilang ilalagay sa katulad na cake.
Ilan sa mga nakakatawang mensahe… “Happy Birthday, Tanda,” “Bakit Parang Kasalanan Ko,” “HBD MAGHIHIWALAY Din Kayo - Love Mommy,” at “Masarap Ako, Walang Kokontra. Happy Birthday, Self.”
Ilang netizens pa ang nagkomento…
“Salamat, Bea, sa paggawa ng paraan para mas sumikat ang negosyo.”
“Sa court wedding namin, gagayahin ko ‘tong cake design na ‘to. Nakaka-inspire naman.”
Bongga!
INAKO ni Vice Ganda ang pagkakamali niya sa It’s Showtime (IS) matapos ang kontrobersiya sa quiz tungkol sa organ system. Nag-trending ito sa socmed (social media).
Nangyari ang isyu sa segment na Laro, Laro Pick kamakailan, kung saan ang mga lider-estudyante at mga dean’s lister mula sa iba’t ibang unibersidad ay nagpaligsahan sa isang pagsusulit sa kaalaman.
Hiniling sa mga kalahok na pangalanan ang isa sa 12 organ systems ng katawan ng tao batay sa impormasyon mula sa Cleveland Clinic.
Bagama’t maraming sagot ang tinanggap, ang sagot ng isang kalahok na ‘circulatory system’ ay minarkahang mali dahil ang nakalista sa reference ng palabas ay ‘cardiovascular system’.
Mabilis na nagdulot ng debate online ang desisyon.
Sa programa, ipinaliwanag ni Vice sa simula na sinunod lamang ng mga hurado ang eksaktong listahan na ibinigay ng kanilang reference source.
Matapos suriin mismo ang website ng Cleveland Clinic, inamin ni Vice na balido ang sagot ng kalahok.
Humingi siya ng paumanhin sa kalituhan at sinabing nabigo ang production team na maingat na beripikahin ang impormasyon bago ito gamitin sa game show.
Nilinaw ni Vice na ang responsibilidad ay hindi lamang nakasalalay sa mga manunulat o production staff. Nagpasalamat din siya sa mga manonood na nagbigay-alam tungkol dito.
Aniya, ang feedback ay makatutulong sa team na mapabuti ang proseso ng fact-checking nito at maiwasan ang mga katulad na insidente sa mga susunod na episodes.





Comments