top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Palaos na, nakabawi pa… LIZA, NAGKA-ENDORSEMENT SA PAG-IINGAY SA ISYU NILA NI OGIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 21, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 21, 2023




Mukhang nakatulong sa career ni Liza Soberano ang isyu niya sa dating manager na si Ogie Diaz at sa ABS-CBN Star Magic, kung kaya't kinuha siya ngayon ng isang financial technology firm na Maya upang maging brand ambassador.


At kasabay ng kanyang pagtanggap sa offer ay hiniling niyang bigyan siya ng titulo bilang “Chief Advocacy Officer”.


Itinuturing kasi ni Liza na advocacy ang ipaglaban ang karapatan at huwag maging sunud-sunuran sa dikta ng mga tao sa kanyang paligid.


Gusto niyang ipakita sa lahat ang tunay na Liza Soberano na hindi nila nakita noong magka-love team pa sila ni Enrique Gil. ‘Yun ang pagbabagong aabangan sa kanya ng lahat bilang si Hope Soberano.


Ang tanong ngayon, mapapantayan o malalagpasan ba ni Liza ang kanyang popularidad noon bilang artista ng Star Magic?


Papaano niya ipa-package ang kanyang sarili bilang Hope Soberano?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page