Palaging lagapak sa approval at trust rating si Speaker Velasco
ni Ka Ambo - @Bistado | November 1, 2021
VERY good pa rin ang marka ni P-Digong sa pinakahuling resulta ng opinion survey ng Publicus Asia.
Pero mas mababa ito kaysa sa naunang resulta noong Hunyo!
◘◘◘
TEKA, kumusta na nga pala ang House of Representatives?
Parang wala tayong naririnig, maliban sa pagkupkop sa mga sumasabit sa iskandalo na opisyal ng Pharmaly Corporation na hinahanting ng Senado!
◘◘◘
ANO na ba ang updates sa Bayanihan 3?
Taneme si Speaker Lord Allan Velasco.
Naiputan ba siya ng Ibong Adarna kaya’t mistulang naging bato?
Wala siyang opinion sa maseselang isyu sa gitna ng krisis!
◘◘◘
HINDI nakapagtataka na kulelat na naman si Speaker Lord sa isang survey na isinagawa para sa limang matataaas na opisyal ng bansa.
Sa isinagawang survey ng Publicus Asia nitong October 11 hanggang 18, 2021 sa 1,500 respondents, lagapak na naman ang approval at trust rating ni Velasco!
◘◘◘
NANGUNA sa naturang survey si P-Duterte na may 59.8% approval rating at 52.9% trust rating
Sinundan ni VP Leni na may 31.3% approval rating at 22.1% trust rating, at si SP Sotto ay may 33.9% approval rating at 19.8% trust rating!
◘◘◘
SI Chief Justice Gesmindo ay may 24.2% approval rating at 14.6% trust rating, ang panghuli na si Speaker Lord na may 23.9% approval rating at 12.1% trust rating.
Ang masakit, consistent ang pagdausdos ng trust rating ni Velasco sa mga survey na isinagawa ng Publicus Asia mula ng umupo ito bilang Speaker of the House!
◘◘◘
PABABA nang pababa ang rating ni Velasco mula sa mga quarterly survey na isinagawa noong Dec. 2020, March 2021, July 2021 at ito ngang pinakabagong survey nitong Oktubre.
Hindi maiwasang ikumpara ang performance ng kamara ngayon dating liderato ni dating Speaker Alan Peter Cayetano na nais nang magbalik sa Senado sa 2022!
◘◘◘
SA panahon lang ni Cayetano nakapagtala ang Kamara ng napakataas na rating.
Maging si Cayetano na nakakuha ng umabot sa 80% performance rating at 76% trust rating sa Pulse Asia survey!
◘◘◘
UNPRECEDENTED ang diskarte sa nakaraang liderato ng Kamara.
Bumuhos din ang mga ‘’1st time ‘’ measures, tulad ng pag-imbita sa iba’t ibang sektor at magbahagi ng kanilang pahayag sa pagtalakay ng national budget!
◘◘◘
PINAUSO rin ang virtual meetings at hearings dahil sa kasagsagan ng pandemya.
HInarap din nito ang matinding hamon na dulot ng COVID-19 kaya isinabatas ang Bayanihan 1 at 2!
◘◘◘
HIGIT sa lahat, isinagawa rin ng Kamara sa ilalim ng Cayetano leadership ang kauna-uanahang sesyon nito na labas sa compound ng Kongreso sa Batangas.
Dinaluhan ng halos lahat ng kongresista upang madinig ng personal ang hinaing ng mga nabiktima ng pagputok ng Bulkang Taal!





Comments