Palaban talaga kay Arnell… G, IDINISPLEY ANG DIPLOMA PATUNAYAN LANG NA 'DI BOBO ANG MGA ARTISTA
- BULGAR

- Nov 10, 2020
- 2 min read
Julie Bonifacio - @Winner | November 10, 2020

Tuloy ang bangayan sa social media ni Arnell Ignacio at ng US-based Pinay celebrity na ngayong si G Tongi.
Pagkatapos imbitahan ni Arnell na mag-subscribe si G sa kanyang YouTube channel at "magsagutan" sila ng kani-kanyang opinyon sa social media, tila tinanggap ng dating artista sa 'Pinas ang imbitasyon ng komedyanteng host.
Muli kasing nag-tweet si G na tila patama kay Arnell. But this time, wala nang binanggit na pangalan si G.
Tweet niya kahapon, "It's funny when someone doesn't have the logic to argue about facts. Instead they sling insults that frankly are baseless. Calling stupid was a low blow. Yet, when a pun is hurled their way, which mind you is based on fact, they can't fight their own fight. Pft, chew on this!"
At para patunayan ni G na hindi 'bobo' ang mga artista sa 'Pinas base na rin sa naging pahayag ni Arnell, kasama sa tweet ng aktres ang piktyur ng kanyang diploma na naka-post sa kanyang Twitter account.
Nagtapos si G sa University of California sa kursong Bachelor of Arts Major in Communication Studies (with Minor in Film, Television and Digital Media). Hindi lang basta nag-graduate ng college sa US si G, but with honors pa, huh?
As expected, inulan ng mga bashers si G sa thread sa Twitter post niya.
"A degree holder but yet doesn't know how to respond well to others criticism? Just lol!"
"Bachelor Degree holder ka pala? Kaya ba waitress/bartender ang career mo?"
Meron din namang nag-congratulate kay G dahil sa pagkakaroon ng diploma at pinayuhan siya na dedmahin na lang ang mga bashers niya, "Never mind those trolls and his followers..."
'Yung iba, nayabangan kay G for posting her diploma.
"Kung may ipagmamayabang, right niya 'yun... Ang mahirap, mayabang na nga, wala namang puwedeng ipagmayabang... that's a fact."
Pero eto naman, naipasok niya si Aiko Melendez na nag-post din sa social media against G's statement tungkol sa pagiging kalbo ni Arnell.
"Aiko Melendez hala ka."
And speaking of Aiko, 'di rin naman siguro siya ang tinutukoy ni G sa sumunod niyang tweet last Sunday. Nag-serve rin kasi si Aiko sa Kyusi as a councilor noon.
"Lastly what I will say is this... many artists choose to go into PH politics but it's not always to serve the people. It's a meal ticket. Many aren't qualified," tweet ni G.
Sa dami ng artistang nasa politics, malamang ay maraming magre-react sa statement ni G.
Although, sa last part ng tweet niya ay special mention naman niya ang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno.
"That's why I respect the likes of @IskoMoreno who have the intellect and education to back it up. Others, not so much!"
Pero may nag-disagree naman sa pagbanggit at papuri ni G kay Mayor Isko.
"Ayy, disagree ako dito, Madam. Isko is a trapo too. Walang sariling utak! Walang sariling paninindigan. Siguro, kung artista lang si Vico, he's perfect example of that."
Ganern?








Comments