top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Palaban talaga! K, HINAWAKAN NG FAN NA LALAKI SA ISANG BOOBS, INALOK PA ANG KABILA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 7, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 7, 2022



Sa Lakwatsika reali-talk launch na ginanap sa TV5 ay inamin ng isa sa dalawang hosts na si K Brosas na sa unang pagkakataon ay nakunan ng TV camera ang nangyari sa kanya na hindi na niya maitatago dahil ipapakita raw ito sa show.


Hindi binanggit ni K kung ano, abangan na lang daw ng lahat sa show nila 'pag umere na sa April 18.


Tinanong namin si Marj Natividad, isa sa owner ng Red Crane Studios na line producer ng Lakwatsika reali-talk kung ano'ng nangyari kay K.


“Nagkaroon siya ng anxiety attack (or panic attack), iyak siya nang iyak, hindi siya mapatahan. Lagi raw siyang may ganu’n, pero ito ‘yung first time na may mga kasama siya at nakunan ng kamera,” kuwento sa amin ni Marj.


Ano'ng first aid ang ginawa nila para kumalma si K?


“Hinayaan lang siya, may nurse naman kami lagi on the set. So, inalalayan siya. Hindi naman kami nagpabaya.”


Walang binanggit si K kung bakit siya sinumpong ng anxiety sa mismong set ng programa nila ni Ethel Booba, pero tanda namin noong nakausap namin siya tungkol sa nangyari sa bahay niyang hindi matapus-tapos ng contractor, ay sinusumpong na siya nito dahil hard-earned money niya ang ipinampagawa ng bahay, tapos, hindi nga natapos.


Posible kayang sinumpong si K dahil sa stress o pagod at maraming iniisip? Good thing, naging okay naman daw siya afterwards, sabi mismo ng line producer ng Lakwatsika.

Anyway, naikuwento ni K sa presscon na meron siyang isang hindi malilimutang karanasan habang nagpe-perform sa show. Hinipo raw ang boobs niya ng isang male fan.


“Nagulat ako siyempre, pero ‘yung unang reaksiyon ko, okay, sige, part of life. So, sabi ko, ‘Ah, ganoon ba? Gusto mo rin ba ‘yung kanan!?’ Doon, parang naano siya…kasi nakita niya, palaban ako, eh.


“Doon, nahimasmasan ‘yung lalaki. Na-realize niya siguro na mali ang ginawa niya. Tapos, hinampas ko siya ng…hahahaha! ‘Yun lang ‘yun,” kuwento ng TV host-singer na natatawa rin.


Samantala, iba naman ang karanasan ni Ethel na lagi siyang napagkakamalang bading kapag may show sa ibang bansa.


Open naman ang TV host-singer din na may mga ipinaretoke siya sa kanyang mukha kaya siguro nasabihan siyang mukhang bakla, pero dedma na lang siya at sabi niya, babae siya.


Anyway, mapapanood na ang Lakwatsika reali-talk simula sa Abril 18 sa ganap na 11:00 am mula Lunes hanggang Biyernes under Cignal Entertainment at Red Crane Studios.


Abangan sina Lakwatserang Bibang-Biba Ethel Booba at Tsikadorang Puno ng Kwela K Brosas na tutuklasin ang iba’t ibang parte ng Pilipinas kasama ang ilan sa mga paboritong artista para pasyalan ang kanilang mga lugar na pinanggalingan at kilalanin ang kanilang mga kababayan.


“Matagal ko nang gustong maging part ng isang travel show na very, very light na tatawa ka lang kasi enjoy lang sa kuwentuhan at experience. Super touched ako sa opportunity na ibinigay ng TV5, kasi na-tweet ko talaga ito 8 years ago pa!” say ni K.


“Masasabi kong madami na akong napuntahang lugar sa Pilipinas dahil nga sa mga dati kong shows pero itong sa Lakwatsika, ang bida kasi rito is ‘yung mga lugar at ‘yung mismong mga tao.


“Tapos, marami akong natututunan at mare-realize mo na lang talaga na maganda ang Pilipinas at iba rin talaga ang pag-aalaga ng mga tao tulad ‘yung episode namin sa Masbate,” sabi naman ni Ethel.


Makakasama naman online para maka-bonding at maging On the Watch (OTW) sa bawat ganap ang mga Lakwatsidoras na sina Bidang Batangueña Queenay na may 11.5 million followers sa TikTok at Reyna Probinsyana Marimar Tua, na kamakailan ay itinanghal bilang Ultimate BidaOke Star ng Sing Galing.


Para sa unang gala ng barkadahang rarampa sa umaga, sasabak sina Ethel at K sa rodeo capital ng bansa, Masbate, at masusubukan nila ang buhay cowgirls sa mga rancho.


Maliban sa masasarap na seafood at nakamamanghang mga isla sa municipality ng Cawayan, kapana-panabik din ang mainit na pagtanggap ng mga Masbateño sa kanila.


Kaya ‘di nakapagtataka kung bakit nakamit ng show ang suporta ng Department of Tourism (DOT) dahil sa mga layunin ng Lakwatsika na itaguyod ang local tourism at pride sa sari-sariling mga hometown.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page