Palaban talaga! IVANA, GAME IBUYANGYANG ANG KEPS SA MOVIE
- BULGAR

- Apr 11, 2025
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Apr. 11, 2025
Photo: Ivana Alawi - Instagram
Walang pag-aalinlangang sinabi ni Ivana Alawi na willing siyang maghubad at magpakita ng private parts sa isang pelikula basta kailangan talaga sa eksena.
Sa panayam ng aktres/content creator sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nitong nakaraang Miyerkules, naitanong sa kanya ni King of Talk Boy Abunda kung hanggang saan ang kaya niyang ipakita at willing ba siyang mag-frontal nudity sa isang pelikula?
“Baka sila, hindi nila kayanin,” tila panghahamong sambit ni Ivana.
“Oo, kung kailangan. Kung para sa trabaho at maganda naman ‘yung script at maganda ‘yung istorya, why not?” matapang niyang pahayag.
Komento naman ni Kuya Boy, “That’s how comfortable you are with your body,” sabay-tanong din kay Ivana kung ano ang insecurities nito.
Ayon naman sa aktres, na-embrace na rin niya ang lahat ng insecurities niya ngayon pero dati raw ay insecure siya sa kanyang ilong.
“Kaya nga sinasabi n’yong retoke… retoke? Insecurity ko nga ‘to. Ayan, oh,” pagpapakita niya sa kanyang ilong.
Nang tanungin kung may balak ba siyang magparetoke ng ilong, ayon kay Ivana ay wala na raw.
“Hindi na, bahala kayo, okey na ako, masaya na ako, contour-contour na lang ‘yan,” sagot ng aktres.
Inamin din niyang milyones talaga ang kinikita niya buwan-buwan bilang content creator kaya nga raw nagse-share rin siya ng kanyang blessings.
NATUTUWA ang Honorary President ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) at may-ari ng Lamoiyan Corporation (maker of
Hapee toothpaste) na si Dr. Cecilio Pedro kapag napag-uusapan ang napakaraming malalaking celebrity endorsers noon ng kanilang kumpanya.
Matatandaang ilan sa mga naging endorsers ng Hapee Toothpaste ay sina Angel Locsin, Ruffa Gutierrez, Kathryn Bernardo, Kristine Hermosa, Marian Rivera, Alden Richards, Maine Mendoza, Sarah Geronimo, Maja Salvador at iba pang malalaking celebrities at personalidad.
“Halos lahat ng artista, endorsers ko,” sey ni Dr. Pedro nang makatsikahan namin sa Pandesal Forum last Tuesday sa Kamuning Bakery ni Wilson Flores.
That time ay siya pa ang in-charge sa kumpanya at siya lahat ang kumuha ng mga nasabing endorsers. Ngayon daw kasi ay ang anak na niya ang namamahala sa kumpanya at siya naman ay ine-enjoy na lang ang buhay bilang philanthropist at honorary president ng FFCCCII.
Samantala, kaabang-abang ang napakagandang project ng (FFCCCII) kaugnay ng 50th Anniversary ng Philippine-China Diplomatic Relations.
Ayon kay Dr. Pedro, dapat abangan sa June 9 ang gagawin nila sa Jones Bridge hanggang Chinatown.
“Nauna na ‘yung ginawa ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Pasig River Esplanade sa Intramuros. At ang second part is to beautify the Jones Bridge,” pagmamalaki ni Dr. Cecilio.
Nakita nga ang ganda ng Pasig River Esplanade nang magbigay-pugay ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa moda at pagkakayari ng Filipino na pinagtagpi para sa kapakinabangan ng mga atletang Filipino.
Dumalo ang Unang Ginang sa Gintong Sinag: Hinabi ng Lakas, Ginawa nang may Pagmamalaki, isang fundraiser fashion show sa Pasig River Esplanade sa Intramuros, Manila kamakailan.
Ang fashion show ay brainchild ng kilalang Filipino designer na si Avel Bacudio na nagtampok sa mga Olympic medalists na sina Carlos Yulo, Aira Villegas, at Nesthy Petacio.
“We will install lots of laser lights so that this coming June 9, we will start to showcase, we will show everyone that we can make Jones Bridge truly beautiful. And we can attract tourists to Jones Bridge and visit Chinatown along the way.
“We will also install lights in Chinatown, that’s part two. Hopefully tuluy-tuloy ang project including the Intramuros. So all of this will be done in celebration of our 50th Anniversary Philippine-China Diplomatic Relations,” pahayag pa ni Dr. Pedro who is also the former president of FFCCCII.
Bukod dito, kasali rin sa proyekto nila ang paglilinis ng Pasig River.
“We will clean the Pasig River. Magkakaroon na tayo ng canal tour. Hindi ba sa ibang bansa, mayroon niyan? May tour, dinner cruise, kailangan pagandahin, linisin ang Pasig River, ‘yan ang next project pa namin.
“From new bridge to Jones Bridge to MacArthur Bridge, tatlong bridges iyon. We will combine these three bridges to make it into a clean space for tourism,” anang business tycoon/philanthropist.
Nabalitaan nga rin niya na nag-shooting pala sa Jones Bridge sa Binondo sina Kim Chiu at Paulo Avelino at nakita nga sa pelikulang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) ang kagandahan ng lugar.
Kaya nga mas lalo pa raw nilang pagagandahin ang Jones Bridge para mas marami pang maengganyong mag-shoot at pumuntang turista as well.






Comments