Palaban sa driver na nagkaso sa kanila ni Michelle Dee… RHIAN, HANDANG LUMABAN HANGGANG KAMATAYAN
- BULGAR
- 21 hours ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | February 6, 2026

Photo: Rhian Ramos - Instagram
Muling nagparamdam si Rhian Ramos sa kanyang Instagram (IG) Story kahapon sa pamamagitan ng isang lumang video niya kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Michelle Marquez Dee (MMD) at Samantha Panlilio.
Makikita sa video ang masayang beso-beso at yakapan nina Michelle at Rhian. Nilapatan ito ni Rhian ng background music na tila nagpapahayag ng kanyang saloobin.
Ang linya ng kanta, “Just keep going to find your way. Once upon a time you’ll be okay.”
Ito kaya ang deklarasyon ni Rhian na tuloy ang laban hanggang sa lumabas ang katotohanan at muling maging maayos ang kanyang buhay?
Sinundan pa ito ng isang post ni Rhian ng announcement sa pagkakaroon niya ng award bilang TV Actress of the Year mula sa Platinum Stallion National Media Awards.
Mayroon ding scoring ang IG Story mula sa kanta ni Julie Anne San Jose na Bagong Tadhana.
Sabi ng kanta, “Handang lumaban hanggang sa kamatayan.”
‘Yan si Rhian Ramos, palaban!
OPISYAL nang inilunsad ang ika-anim na kanta ng batang singer na si Love Kryzl, ang Heart’s In Bloom.
Si Love Kryzl mismo ang nagsulat nito ka-collab ang Purple Hearts Production para sa arrangement ng bago niyang awitin.
Pahayag ni Love Kryzl sa launching ng kanyang Heart’s in Bloom, “The song is about new beginnings. If you want to start fresh, just listen to the song.”
Nais magbigay ng pag-asa ng song ni Love Kryzl. May bahagi raw sa kanta na nanghihikayat sa mga nahihirapan sa buhay at nalulugmok na magsimulang muli.
During the presscon, sinabi ni Love Kryzl na ang chorus ng Heart’s in Bloom ang paborito niyang bahagi at itinuturing niyang mahalaga ito.
Para sa kanyang forthcoming birthday concert, isa sa kanyang dream venue choices ang SM Mall of Asia (MOA).
“I just want to make a song for fun. It feels fun. Like if I have nothing to do, I just need to write a song,” sabi ni Love Kryzl.
Ang Heart’s In Bloom ang ika-anim na recorded song ni Love Kryzl. Kumpara sa kanyang previous recorded songs, pakiramdam niya ay malaki na ang kanyang naging improvement.
“In the music video, it ended strong. It was fun, tiring but worth it,” sambit niya.
Bilang isang batang mang-aawit, gusto niyang maka-relate ang mga tagapakinig sa kanyang mga kanta at maantig ang kanilang mga puso at damdamin.
Ang pagkakaroon ng anim na recorded songs at pagtatanghal sa iba’t ibang okasyon ay isang tagumpay para sa batang malikhain, na nakakaramdam ng gulat at pagmamalaki sa nangyayari sa kanya bilang isang singer.
Ibinahagi rin ni Love Kryzl ang ilang detalye sa pagbuo ng Heart’s In Bloom.
“The tune was helped by the Purple Hearts Production. Of course, coach Rachel Ann
Pegason Alejo helped me to improve my singing so I could sound better during the recording,” tsika pa ng ingleserang batang singer.
Isa ring choir member si Love Kryzl. Kasabay nito, nakikipaglaro rin siya sa kanyang mga kapatid, nanonood ng sine at lumalabas sa mall.
Paborito raw niyang pakinggan ang mga kanta ng Katseye, pati Pop songs at Blues.
Wish niya na maka-collab ang mga popular at established artists tulad ni Gigi de Lana.
At bilang pagdiriwang ng kanyang 10th birthday, kinukumpleto rin ni Kryzl ang 10 original songs na lahat ay itatanghal sa kanyang upcoming concert.
Para suportahan ang malikhaing paglalakbay na ito, ang Purple Hearts Production ay maglalabas ng buwanang music videos ng mga kanta ni Kryzl sa buong taon, na magbibigay-daan sa mga manonood na masaksihan ang kanyang artistikong paglago, isang kuwento sa bawat pagkakataon.
Ang unang limang original songs ni Love Kryzl ay kasalukuyang available sa Spotify, Apple Music at sa Love Kryzl’s World YouTube (YT) channel.




