top of page
Search
  • BULGAR

Palaban nu'ng una, biglang-atras sa drug test…

RAFFY SA KA-LIVE-IN NI SUPER TEKLA: NAGSISINUNGALING KA!

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 28, 2020




Umatras na si Michelle sa drug test dahil pinagalitan daw siya ng tita niya. Kaya ang tanong ni Sir Raffy, ano'ng dahilan?


“Kasi po may binat pa raw po ako kaya huwag ko raw po muna ipagalaw ang buhok,” sabi ng dating live-in partner ni Super Tekla.


Natawa si Raffy, “Michelle, Michelle, mukhang sinunog mo ang sarili mo sa akin. Mabibinat ka? Eh, ang gagawin naman sa 70 to 100 strands of hair na ‘yun, hindi bubunutin bagkus ay guguntingin lang na sinabi sa ‘yo ng staff kahapon pa lang, 'di ba? Paano ka mabibinat doon? Hindi naman hihilahin ang mga buhok mo kundi gugupitin lang.”


Muling ipinaalala ni Raffy kay Michelle na may nagtanong na netizen kung sasalang pa siya sa lie detector test at drug test dahil nga nagkaayos na sila ni Tekla.


“Sabi ko, hindi na, pero naghamon ka. Sabi mo, gusto mo magpa-hair follicle drug test to prove to them na 'Inosente ako,' blah, blah. Ikaw ang naghamon, remember? Sabi ko, you don’t have to, pero sige, pagbibigyan kita. Sabi ko, aba, matapang ito at mukhang nagsasabi nang totoo.


“Nag-offer ako ng mga tulong, remember, pustiso, bayad sa rent, 4 months’ advance, groceries, etc.. Now, umaatras ka?” seryosong tanong kay Michelle.

At nangatwiran nga si Michelle na suggestion daw 'yun ng tita niya, pero willing naman siyang gawin pa rin.


Pero tablado na siya kay idol Raffy, “Hindi na, Michelle! Hindi mo lang sinunog ang sarili mo sa akin kundi nag-dive ka sa dagat na umaapoy. It’s very clear sa akin na this is indication to me na meron ka talagang itinatago, you’re lying. Kasi alam mo, kapag sa 'yo rin, kaya mong iwasan, pero dito (hair follicle drug test), up to 90 days, malalaman kung gumagamit ka pa rin o hindi. Ikaw ang naghamon, now, ‘yung palusot mo na sinasabi ng tita mo o auntie mo na mabibinat ka, that’s bullsh*t!”


Dagdag pa, “Hindi ako doktor pero I know for a fact na walang kinalaman na ikaw ay mabibinat kapag ikaw ay ginupitan ng buhok at ikaw ay nanganak 4 months ago. Alam mo, lusot ka na sana kahapon, binigyan kita ng graceful exit, Michelle. Alam mo ang graceful exit? ‘Yung pag-exit na hindi ka napahiya sa akin. Kahit binabanatan ka na ng mga netizens, sa akin, hindi ka pa rin totally napahiya.”


Binawi na rin ni Raffy ang pangakong tulong kay Michelle.


“'Yung pustiso na sana, naging gilagid pa. ‘Yung rent na sana, ngayon, matutulog ka sa lupa. Ewan ko sa 'yo, bahala ka kung saan ka maghahanap ng matitirhan.”


At si Michelle ay ire-refer na rin sa DSWD para sila na ang mag-assess kung karapat-dapat niyang alagaan ang mga pamangkin niyang mga bata pa.


“Very clear kasi sa akin na mukhang gumagamit ka pa rin (droga). Huwag kang umiyak, ‘wag mo akong dramahan. Kung gumagamit ka pa rin, hindi ka dapat mag-alaga ng mga bata. Kaya pupunta ang taga-DSWD para malaman nila kung gumagamit ka pa o hindi na, at kapag nalaman, ipu-pull-out ang mga bata kasi wala kang kakayahang mag-alaga,” seryosong sabi ni Raffy.


At maging ang anak niyang si Angelo ay ibibigay na rin kay Tekla kapag napatunayang gumagamit pa rin si Michelle.


“Kahit na umiyak ka pa ng dugo, wala na akong pakialam sa 'yo. Hindi na, hindi mo na ako madadala, nahuli na, pandora's box, 'ika nga,” diin ni Sir Raffy.


Case closed na ito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page