top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pakistan, nagsagawa ng eleksyon

BULGAR
Feb 9, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 9, 2024




Nagsimula nang bumoto ang milyon-milyong Pakistani noong Huwebes sa isang eleksyon na puno ng mga paratang ng pandaraya, kung saan nakapiit ang pinakapopular na lider ng bansa, at isang kandidatong suportado ng militar ang inaasahang mananalo.


Sinabi ng mga otoridad na itinigil nila ang mobile phone services sa buong bansa habang nagaganap ang botohan upang mapanatili ang kapayapaan matapos ang marahas na kampanya sa eleksyon — kabilang ang dalawang pagsabog noong Miyerkules na ikinamatay ng 28 katao.


Inaasahan ng mga eksperto sa survey na magiging maliit lamang ang bilang ng mga botante sa 128 milyon na mga kwalipikadong botante ng bansa dahil sa isang malungkot na kampanya sa eleksyon na dominado ng pagkakapiit ng dating punong ministro na si Imran Khan at ang paghina ng kanyang partido na Pakistan Tehreek-e-Insaf.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page