top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

“Pakawala” lang ng Malacañang ang UP-OCTA?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 09, 2021



OCTA RESEARCH GROUP, “PAKAWALA” NG MALACAÑANG—Kung noon ay maraming humahanga sa pag-aaral na inilalabas ng University of the Philippines (UP)-OCTA Research Group patungkol sa COVID-19, ngayon ay pinuputakti na ito nang batikos ng publiko.


Mababatikos talaga kasi nabisto na funded pala ng Malacañang ang UP-OCTA, na ang P15 milyong ibinigay dito mula sa Bayanihan 2 funds ay idinaan sa UP-Institute of Mathematics kung saan ay professor dito si OCTA member Guido David; at nabisto rin na ang datos na inilalabas nito sa COVID-19 ay hindi pala mula sa sinasabi nilang siyensiya, kundi galing sa Department of Health.


Dahil d’yan, lumalabas na “pakawala” ng Malacañang ang UP-OCTA na may dalawang misyon, ang kumuha ng datos sa DOH, paniwalain ang publiko na magaling silang mag-forecast tungkol sa COVID-19, at maglabas ng survey na palaging top sa halalang 2022 ang mag-amang Duterte, period!


◘◘◘


TINABLA NG UP ANG OCTA, IBINUKING NA WALANG TANGGAPAN SA UP COMPOUND—Dumistansiya ang UP sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng UP-OCTA tungkol sa COVID-19 forecast, survey sa pulitika at pagpopondo ng Malacañang.


Ayon sa UP, kailanman ay hindi naglalabas ng forecast sa COVID-19 at survey sa pulitika ang UP, hindi nila sakop ang OCTA Research Group at patunay w na wala naman tanggapan sa buong compound ng UP, at ilang propesor lang ng UP ang nagbuo nito.


Kung hindi konektado sa UP at walang tanggapan sa UP compound ang OCTA, lumalabas na “haoshao” pala ang research group, boom!


◘◘◘


KUNG BAKIT PATI SURVEY SA PULITIKA PINAPELAN NG OCTA—Ang palusot ni Prof. David, wala namang ibinigay na pondo ang Malacañang sa OCTA.


Papalusot pa, eh, bistado na sila kasi malinaw sa nakasaad sa Bayanihan Act 2, na ang P15 milyong ibinigay sa tanggapan nila sa UP-Institute of Mathematics ay panggastos sa data analysis for COVID-19 at pandemic research, at kung susuriin ay ‘yan na mismong data analysis at pandemic research sa virus ang ginagawa ngayon ng OCTA.


At kung bakit pati data at research sa pulitika ay pinapelan na rin ng OCTA, silang mga nasa Malacañang at OCTA na lang ang nakakaalam sa isyung ‘yan, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page