top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pakakasalan pa rin naman kasi ni Neil… ANGEL, WA’ NA PAKI SA KATAWAN KAHIT DABIANA NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 16, 2021




Patuloy ang paglobo ng dating Darna na si Angel Locsin kaya marami ang nag-iisip ngayon na parang nawalan na ng gana ang aktres sa kanyang showbiz career.


Hindi na raw prayoridad ni Angel ang pag-aartista lalo na’t nagsara na ang ABS-CBN na nagpasikat sa kanya nang husto. Bukod dito, magpapakasal na rin naman siya sa kanyang long-time BF, ang businessman na si Neil Arce.


Sa pagbuo na ng kanilang pamilya ilalaan ni Angel ang kanyang panahon at magpapahinga muna sa kanyang showbiz career pagkatapos ng kasal kaya hindi niya kailangang maging sexy sa paningin ng publiko.


May naipundar nang kabuhayan si Angel na puwede niyang gamitin-sandalan sa mahabang panahon. Nakabili na rin siya ng farm sa Bulacan at ito muna ang kanyang aasikasuhin kung iiwan niya ang showbiz.


Pero nag-aalala pa rin ang mga kaibigan at tagahanga ni Angel sa kanyang kalusugan. Hindi kasi normal ang patuloy niyang paglaki at pagdaragdag ng timbang.


Noon, ang sabi niya ay epekto ng iniinom niyang gamot para sa spine injury ang paglobo ng kanyang katawan. Pero mukhang may iba pang dahilan at hindi niya ito dapat binabalewala.


May ilang nagsasabi naman na matinding depression na hindi niya mailabas ang dahilan kaya pinababayaan na ni Angel ang sarili. Marami raw siyang frustrations sa buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page