top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pakabog na ang Celtics sa Heat, nadale ang Game 5

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 27, 2023



Nagpaulan ang Boston Celtics ng labing-anim na 3 pointers para sa dominanteng 110-97 victory laban sa Miami Heat kahapon upang manatiling buhay pa ang momentum ng Celtics para sa paghahabol nila ng NBA championship.


Sa ikalawang diretsong laro, napigilan pa ng Celtics na maisara ang elimination at putulin ang kamalasan sa best-of-seven Eastern Conference finals sa 3-2 sa magkasunod na tagumpay.


Sisikapin muli ng Miami na maisara na ang Game 6 sa pag-host nila sa Sabado. Pero determinado ang Celtics na pigilan ang balak na iyon para maging unang NBA team na nakahabol sa 3-0 deficit at idiretso na sa panalo ang best-of-seven playoff series.


"The only thing that can stop us is us," ayon kay Celtics forward Jaylen Brown sa isang on-court interview.


Sa harap ng dumadagundong at maingay na fans sa TD Garden sa Boston, ganado ang Celtics bilang paborito sa simula pa lamang ng serye, bago pa masunggaban ng 8th seeded Heat ang panalo sa unang dalawang laro sa Boston at pahiyain ang second seeds sa Game 3.


Apat na Celtics starters ang umiskor ng higit sa 20 puntos, namuno si Derrick White sa 24 nang makagawa siya ng anim sa walong tangka mula sa three-point range.


Dumagdag si Marcus Smart ng 23 habang si Brown at fellow star forward Jayson Tatum ay umiskor ng 21 kada piraso.


Ang mahalaga, nasapawan ng Celtics ang Heat sa 16 turnovers para makalamang ng 27 points ang Boston at 17 second-chance points kumpara sa 7 ng Miami. "Tonight we were the tougher playing team," ani Brown. "We set the tone from start to finish."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page